Hong kong trip part 2!!
Nagising si Jane ng maramdaman ang tama ng init ng araw sa mukha nya na nagmumula sa bintana ng kwarto.
Patamad syang bumangon para isara ang bintana. Nang nasa tapat na sya ng bintana saka lang nya naalala na nasa hong kong pala sya kaya napatapik noo sya.
"Oo nga pala... bakit nakalimutan ko." Bulong sa sarili.
Nawala na ang antok nya kaya inayos na lang ang pinaghigaan bago pumasok sa bathroom at gawin ang morning ritual .
Samantala si Jeron naman ay mahimbing na natutulog sa kabilang kwarto. Ngayon lang nya naramdaman ang matinding pagod dahil sa nagdaan training sa basketball at sa final game.
Lumabas ng kwarto si Jane para icheck kung gising na si Jeron pero di nya ito nakita. Sinilip nya ito sa kwarto at nakita na mahimbing pa itong natutulog kaya pinabayaan na lamang nya ito.
Nagtungo na lang sya sa kusina para tignan kung anu pwede nya mailuto para sa kanila.
"Anu nga pwede kong lutuin?...Mmmm.." Kausap nya sa sarili habang nakaharap sa fridge at tumitingin ng pwede lutuin.
"Alam ko na!!!" masaya nyang turan.
Kinuha nya ang mga kailangan at nag umpisa na sya magluto.
Pakanta kanta pa sya habang nagluluto hanggang sa matapos ay di pa rin gising si Jeron.
"Napasarap ata ang tulog nya." bulong sa sarili. "Hayaan ko na lang muna sya para makapagpahinga." dugtong nyang sabi habang papunta ng living room.
May nakita syang gitara kaya sinubukan nya tumipa at tinono .
Nang maitono ito ay nagsimula na syang kumanta.
(Listen to multi media: pag ibig cover by Jane Oineza)
.
.
.
.
.
.
.Lumabas si Jeron at nakashower na kaya maayos na ang pakiramdam nya.
Naabutan nya si Jane na kumakanta kaya pinanood nya muna ito bago magparamdam.
"Tunaw na ako sa titig mo Bae." komento ni Jane habang tumutugtog na ikinagulat ni Jeron.
"Sorry late na ako nagising Bae.." nahihiyang tugon ni Jeron habang papalit kay Jane na nakaupo sa sofa.
"No problem..Bae.." nakangiting tugon ni Jane. "Okay na ba pakiramdam mo Bae."
"Yup! Pwede na tayo mag ikot ikot kung saan mo gusto pumunta." Tumataas baba ang kilay na sambit.
"Let's eat first Bae.. lampas lunch na." Tumayo si Jane at hinila si Jeron.
"Nagbreakfast ka ba?" tanong ni Jeron habang papuntang kitchen.
"Nope.. late na rin ako nagising kaya nagcoffee na lang muna ako. And ang lungkot kumain mag isa." naglalambing na tugon ni Jane para di sya mapagalitan nito.
"Bae naman dapat kumain ka muna kahit konti.. ikaw talaga!" naiiling na turan ni Jeron sa kasintahan kaya piningot ang ilong nito.
"Bae!!! Ilong ko na naman.." habang hawak ang ilong.
"Kulit mo kasi.. let's eat.. i'm starving.." umupo na sila dahil niready na ni Jane ang table habang hinihintay si Jeron magising.
Nag umpisa na sila kumain. Ang nasa mesa ay beef broccoli, roasted chicken and rice. Lemonade for drinks and mango pudding for dessert.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong King Archer
FanfictionHe is famous.. She is just a simple girl. He is student athlete and she is just ordinary college student. They both studied from different school. He is serious type guy and want everything perfect except to her. Wanna know why? Let's find out. Be...