THREE

85 2 2
                                    

-Birthmark

"Babe, wake up,"paulit ulit na sabi ni Elloy. Kanina ko pa sya naririnig pero ayaw kung buksan ang aking mata dahil inaantok pa'ko.

Nagulat ako nang may dumamping labi sa labi ko. Napamulat agad ako.Sumalubong sa akin ang muka ni Elloy na ngiting ngiti.

"Ugh! "Kinuha ko ang aking unan at tinakpan ang aking muka. Bat sya nandito? My gosh! baka maamoy nya ang hininga ko.

Hinablot nya ang unan na nasa muka ko. Sinamaan ko naman sya ng tingin pero ngumiti lang sya.

"Babe, it's already 10 in the morning.Wake up na ,okay? "He said.

"Fine!"Tumayo na ako para pumuntang banyo. Nasa baba ang banyo kaya kinaylangan ko pang bumaba. Nag hilamos ako at nag toothbrush. Pagkatapos ay umakyat ulit ako papunta sa kwarto.

"Ang hirap mong gisingin,"pout na sabi ni Elloy.

Nagsalita naman si Rii sa may gilid kaya napalingon ako sa kanya. "Kaya nga,Ona! Kanina pa si Elloy dito"

"Ang sarap kasing matulog. "Naglakad nako papunta kay Elloy at kumandong sa kanya. Niyakap naman nya'ko.

"Ano ba yan, ang lalandi! " Reklamo ni Fill.

"Inggit ka lang," natatawa kung sabi.

"Ha! ako? maiinggit?huh no! "He said tas lumapit papunta kay Rii at pasimpleng inakbayan ito.

"Luh ka. Bitawan mo nga ako,"tinanggal ni Rii ang pagkakaakbay ni Fill sa kanya. Sabay kaming tumawa ni Elloy sa reaksyon ni Fill.

"How sad,"asar ko kay Fill at tumawa ng malakas.

"Tsk. Pakipot lang naman si Rii,"simangot nyang sabi.

"Aba! hindi ako pakipot noh!. Sadyang hindi lang ako pumapatol sa chick boy na kagaya mo"

"Hindi ako chick boy. Pogi lang talaga ako kaya ako hinahabol ng mga babae,"sabi ni Fill sabay kindat.Inakbayan nya ulit si Rii.

Magsasalita na sana si Rii nang bumukas ang pintuan ng kwarto. It was Sia.Hindi talaga uso sa kanya ang katok.

"Ah guys, breakfast na tayo.Nag luto si Din"After nyang sabihin yun ay lumabas na sya. Nagkatinginan kami nila Elloy, Fill at Rii.

Matagal na kase naming alam na may gusto si Sia kay Fill.I don't know lang kung naging sila ba ni Fill pero ang sabi nila may naging something daw sa pagitan nilang dalawa.At base sa muka ni Sia kanina, nung nakita nyang naka akbay si Fill kay Rii, parang na hurt ito. Tsk, yan kase di marunong kumatok.

"Layu layuan mo nga ako Fill at baka mamaya masabunutan na'ko ni Sia,"Iiling iling na sabi ni Rii bago tumayo at nauna nang lumabas.

Tumayo narin kami ni Elloy. Inakbayan ni Elloy si Fill bago nagsalita. "Alam mo kase, pare. Dapat maging loyal ka lang sa isang babae, mas nakakadagdag pogi points yun. Hindi yung paiba iba ka ng babae"

"Aba! Loyal naman ako kay Rii ah,"depensa ni Fill.

Nasa sala na kami at papunta na ka'ming kusina. Sumabat naman ako sa usapan ng dalawa. "Loyal daw. Hello, may ka fling ka kayang iba nung nakaraan. "

"Hala, wala ah. Loyal nga kase ako kay Rii! "

"Sus,pare.Wag ka ng mag deny. Nakita ka namin nung nakaraan, may ibang kaakbay na babae,"sabi naman ni Elloy.

"Bahala nga kayong dalawa dyan. Pinag kakaisahan nyo'ko.Mag jowa nga talaga kayo,"binilisan nya ang kanyang paglalakad. Nagkatinginan naman kami ni Elloy sabay tawa. Ang cute kase maasar ni Fill.Totoo naman kasing may nakita kaming kasama nya pero matagal na yun. Mga ilang buwan narin ang nakalipas. Gusto ko lang asarin si Fill ,sumakay naman si Elloy sa trip ko.

The Vampire Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon