TWENTY-ONE

10 0 0
                                    

-KING
         
                   "Sedona's POV"

"You may kiss the bride, "sabi ng pari at nag hiyawan ang mga tao.Nakangiti naman akong tiningnan ang mga nag hiyawan, mga kaibigan namin at syempre ang pamilya ko.

Lumapit sa akin si Elloy at itinaas ang harang sa aking muka,inilagay nya ito sa likod ng aking ulo. Nakangiti sya at kuminang narin ang mata dahil sa luhang nag babadyang bumagsak.

Dahan dahan syang lumapit sa akin at hinalikan ako. Pumikit ako at dinama ang kanyang halik, narinig ko naman ang tilian ng mga nanunuod sa amin.

Nang natapos ang halik ay nginitian ko sya. "I love you my wife, "he said.

"I love you too my husband, "I giggle.Ang sarap palang banggitin ang husband.

Nang natapos ang kasal at ang party, nag siuwian na kami.Sa bago naming bahay ni Elloy dito sa Baguio, malaki at modernong moderno. Dalawang palapag ito at may limang kwarto, marami naring gamit dahil pinag handaan talaga namin ito ni Elloy.

Isang buwan narin ang lumipas nang makauwi kami. Nag plano agad si Elloy ng kasal. Dumiretso kami agad dito sa Baguio dahil gusto nyang ipakita sa akin ang bahay na ipinagawa nya para sa amin.

Wala pa itong masyadong gamit kaya ako ang pumili ng mga gamit dito sa bahay. Ayaw pa nya na ako ang magbayad pero nag pumilit ako at sa huli, nag hati nalang kami.

Nag pakita narin kami sa aming mga kaibigan at nag tataka sila kung bakit kami nawala noong nag team building kami. Nag kibit balikat nalang kami dahil ayaw namin itong sagutin.

"Goodnight, wife, "he said bago hinalikan ang aking noo.

"Goodnight too, my husband, "I said at ipinikit ko na ang aking mga mata. First night namin ito pero wala syang ginawa, I mean, walang nangyari sa amin. Hindi naman sa gusto ko pero kung meron man, ayos lang sa akin dahil kasal naman kami, pero okay lang din naman kahit wala.Napag desisyonan narin namin na dito narin kami mag honeymoon dahil ayaw naming pumunta pa sa ibang lugar.

Mukang pagod na pagod sya kaya medyo narinig ko na ang mahina nyang hilik. Nakabaon ang muka nya sa aking leeg habang nakayakap ang kanyang braso sa ang baywang.

Hinalikan ko sya sa pisngi at natulog narin.

-----

                  "Jigzz's POV"

Pinag masdan ko ang ma magagandang bulaklak na hilehilera. Lumapit ako sa pinakamalaking bulaklak na tumubo nang inilibing si Mama.

Hinaplos ko ito na parang si mama lang ang hinahaplos ko.

"Ma, miss na kita, "nakangiti kung sabi pero may namumuong luha sa aking mata.Humangin ng malakas at tumama ang lamig ng hangin sa aking muka.

"Alam kong nandyan lang kayo, Ma. Miss na kita eh, gusto kitang yakapin, "I said.

"Kasi naman, Ma, isang buwan na, akala ko babalikan nya ako pero muka talagang buo na ang desisyon nya"

Kumirot ang puso ko. Dammit! Isang buwan na pero masakit parin.

"Ma, sa tingin nyo may balak pa syang balikan ako? Na baka mag bago ang isip nya? Ayos lang naman sa akin, Ma, kung matagalan basta't babalik sya,"hindi ko na napigilan ang aking sarili at nag siunahan ng bumuhos ang aking luha. Dali dali ko iyong pinunasan.

"Kasi naman, Ma, mahal ko siya. Alam ko namang may mahal syang iba pero nahulog parin ako. Kasi naman, alam ko na ngang palagi akong naiiwan, nahulog pa ako sa kanya, "sabi ko na tila nag susumbong na bata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Vampire Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon