PROLOGUE

88 2 0
                                    

"Run! ".Binilisan ko ang pagtakbo sa masukal na kagubatan.

"Faster ,Sedona! He's coming! "sigaw ni Elloy sa'kin habang hawak ang aking kamay. Kahit pagod na pagod na ako, pinilit ko paring tumakbo ng mabilis.

Sana isang bangungot nalang ang lahat para magising na ako pero hindi, ito ang totoo.

"Sedona, please faster,"Elloy said. Alam kong nangangamba na sya at natatakot narin. Alam kong pagod na sya kakahila sa akin.

"You can't run from me, Sedona! "boses ng lalaking humahabol sa amin. Halatang malapit na sya sa kinaroroonan namin kaya mas pinilit kung binilasan ang aking pagtakbo. Tagaktak na ang aking pawis kahit na humahampas ang malamig na hangin dahil sa gabi.Buwan lamang ang nag sisilbing ilaw namin sa gabing iyon.

Nagulat ako nang bumitaw si Elloy sa pag kakahawak sa aking kamay. Sa mga oras na 'yun, alam ko na kung anong susunod na mang yayari.

"No, Elloy! "matigas kung sabi.

"Sedona,I need to do this. Ipangako mo sa aking, makakalabas ka dito ng buhay, " sa mga binitawan nyang salita, nag siunahang pumatak ang mga luha ko.

"No, Elloy! You don't have to do this! Tayo, tayong dalawa, makakalabas tayo dito".Hinawakan ko ang kanyang kamay nang mahigpit.

"Sedona,"bulong nya sabay hawak sa aking muka. "Kapag hindi ko sya pipigilan, mahahabol nya tayo. Please, umalis ka dito sa lugar na'to. Mabubuhay ka para sa akin, makaka alis ka dito, para sa akin,"sabay halik nya sa aking labi. Naramdaman ko din ang mga luhang bumagsak galing sa kanyang mga mata.

"I love you. "Huling katagang binitawan nya bago tumakbo pabalik sa pinagtakbuhan namin kanina.

Sinundan ko sya nang tingin at isinigaw kung gaano ko sya kamahal. Lumingon sya sa akin at kahit buwan lang ang nag sisilbing ilaw namin, nakita ko kung gaano sya kasaya .

The Vampire Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon