TEN

39 2 0
                                    

-Shalo

"Mahal na hari,"paunang salita ng aking tauhan.

Halatang pagod ito dahil sa pawisan ang kanyang noo.

"Anong balita? "Tanong ko.

"May babae po na dinala sa gubat ng mga Weyden. Ang akala po namin noong una ay bihag nila ito dahil nag pupumiglas po ang babae, ngunit lahat po ng mga Weyden ay nagbigay pugay sa kanya."Lintaya ng aking tauhan.

"Kilala mo ba yung babae? "Uminom ako ng alak bago bumaling sa kanya.

"Hindi po. Medyo maliit po ito na maputla at maganda. Tingin ko po ay walang alam dito ang babae dahil gulat ang ekspresyon nya."

Sino ang babaeng iyon? Nakita naba nila ang nakatakdang mamuno sa kanila!? Galit ako tumayo bago nag salita. "Nasaan ang mga kasama mo"

"D-dalawa lang po k-kaming naka alis sa gubat na 'yun, k-kamahalan,"utal utal nitong sabi. Kumuyom ang kamao ko at naramdaman ko ang pag babago ng kulay ng aking mata.

"Alam ba ng mga weyden na naroon kayo!? "Matigas kung usad. Unti unti itong tumango.

Sa isang idlap, nasa harapan na nya ako. Nakahawak ako sa leeg nya.Takot at gulat ang nakita ko sa kanyang mga mata.

"Sinong nag sabi sa inyo na mag pakita kayo sa mga Weyden? "Mahina pero madiin kung tanong.

"Pau-manhin ka-kamahalan.Hindi po na-min sinasadya. M-mapag matyag ang mga Weyden kaya nahuli kami"

"Walang kwenta! "Sigaw ko at sinakal sya. Inangat ko sya at kahit nag pupumiglas ito, alam kung wala syang laban sa akin.

Inaasahan kung makakakuha ako ng inpormasyon tungkol sa mga Weyden pero eto ang mababalitaan ko, ang mahuli ang aking tauhan sa kamay ng mga Weyden. Mga walang kwenta!

Malapit ng malagutan ng hininga ang aking tauhan nang may tumawag sa aking pangalan.

"Jigzz? "Boses ni Sedona. Agad kung binitawan ang pag kakasakal sa aking tauhan. Naramdaman kong bumalik sa dati ang kulay ng aking mata.

"Jigzz? Nasaan ka? "Papalapit na ito kaya hinawakan ko sa balikat ang aking tauhan na humahagilap ng hangin para makahinga.

"Tumayo ka ng tuwid at lumabas kana dito kung gusto mo pang mabugay, "utos ko.

Nataranta ito at agad agad na lumabas.Saktong paglabas nya ay ang pagpasok ni Sedona.

"Oh, bakit parang atat na atat yun lumabas? "Tanong nito sa akin sabay lingon sa pintuan. Umiling lang ako.

"Bakit ka nandito?."Umupo ako at ipinagpatuloy ang pag inom ng alak. Kung hindi lang dumating si Sedona, siguro'y wala ng buhay ang lalaking 'yun. Mahirap kontrolin ang aking galit at lakas lalong lalo na kapag ang pinag uusapan ay may kaugnayan kay mama.

"Diba ngayon mo ako dadalhin kay Elloy? "Masaya nitong tanong.Sa dalawang buwan na pamamalagi nya dito, puro Elloy ang bukam bibig nya. Minsan nga kinukwentuhan na nya ako tungkol sa nakaraan nila, kung paano sila nag kakilala at kung gaano nila kamahal ang isat isa.Wala naman akong pakialam, tsk.

"Tsk."Tumayo na ako at naglakad para igayak sya papunta kay Elloy. Sumunod lang ito at nung nilingon ko sya, ang lawak ng ngiti nya.

Pagkarating namin, nagyakapan sila agad. Bago pa ako mayamot kakatingin sa kanila,lumabas na ako.

Pinuntahan ko si Giro dahil sya lang ang makapag bibigay sa akin ng susunod kung gagawin.

"Basta ang alam ko. May alitan noon ang Weyden at ang angkan natin. Sabi ni mama, mortal silang mag kaaway at sobrang laki daw ng kasalanan natin sa kanila dahil namatay ang kanilang pinuno at nawawala ang asawa nito. Pero ang pumalit sa namatay napinuno ay pinilit makipag ayos sa atin kayat pumayag naman ang mga ninuno natin. Nag kaayos ang dalawang angkan pero hindi natin inaasahan na ang mga Weyden din pala ang sumugod sa atin ilang taon na ang nakalipas at ang pumatay kay mama at tita,"mahabang kwento sa akin ni Giro.

The Vampire Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon