SIX

57 2 0
                                    


-Sedona

   
                  "SHALO's POV"

Binuksan ko ang aming pintuan dahil sa isang katok. Nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa may pintuan.Tumingin ako sa likod nya at may mga kasama ito pero napako ang tingin ko sa babaeng mahaba ang buhok.Matangkad at maputi. Matangos ang kanyang ilong, mapula ang labi at mahahabang pilik mata. May kakaiba akong naramdaman, maganda ito at maputi ngunit hindi iyon ang dahilan nang pagbilis nang tibok ng puso ko.

Kinatitigan ko ito sa mata ng biglang sumulpot si Nani. Pinapasok nya ang mga ito.Gumilid ako sa pintuan at hindi umalis doon. Paglagpas nya sa akin ay tila kumirot ang puso ko. Tila ba napakalakas ng kanyang presensya na kapag lumapit ay mahihirapan lang ako.

Naramdaman ko ang pagbabago ng kulay ng aking mata dahil sa pagtitig sa likod ng babaeng iyon. Nakita ko ang pagkislap ng kanyang batok.Bigla akong nahilo at iniwas ko ang mata ko sa kanya. Mabuti nalang at walang nakakita sa nangyari. Tumingin ulit ako sa kanya at nakita kong nakalugay parin naman ang buhok nito.Noong nagbago ang kulay ng aking mata, nakita ko ang kanyang batok na tila walang buhok na nakaharang dito. Hindi na ako magtataka dahil isa yun sa kapangyarihan ko pero nakakagulat dahil hindi ko naman pinilit na ginamit iyon, kusa nalang iyong lumabas.

Pumunta ako sa aking kwarto at nanatili roon. Lumabas lang ako nang naghapunan na.Nakita ko si Nani na nagluluto. Umupo ako sa isang upuan.

"Shalo, wala kabang ibang nararamdaman? "Tanong nito. Tumingin ako sa kanya ngunit hindi ako sumagot.

Nakarinig ako nang ingay papasok sa aming kusina kaya napabaling ako sa pintuan. Nakita ko ang mga bisita ni Nani. Umupo sila sa mga upuan.Saktong katatapos ni Nani'ng magluto.

Habang kumakain kami, hindi ko ma iiwas ang mga mata ko sa kanya.Binabantayan ko ang bawat kilos nya. Kapag nagtatama ang mga mata namin, nararamdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo.

Pagkatapos kumain ay pumasok na ako sa aking kwarto. Itinulog ko nalang ang aking mga iniisip tungkol sa babaeng iyon. Baka lang naninibago ako dahil hindi ako sanay sa ibang tao.

Nagising lamang ako dahil sa isang masamang panaginip. Nangilabot ako at hindi ko mapigilan ang mga pawis na pumatak sa aking noo. Pinilig ko ang aking ulo. Hindi naman ata mangyayari ang aking panaginip? pero sinong niloko ko. Lahat ng panaginip ko ay nag kakatotoo. Ito ay isa sa mga kapangyarihang namana ko sa aming ninunu. Ang kapatid ko naman, lahat nang hula nya ay nag kakatotoo.

Tumingin ako sa aking gilid at nakita ang aking bintana na naka bukas. Nakita ko ang buwan na sobrang bilog. Naghintay ako ng mga ilang minuto. Naramdaman ko ang pagbabago ng kulay ng aking mata. Naramdaman ko din ang paglabas ng mga matutulis kung pangil at kuko.

Huminga ako nang malalim at pinilit ko ang aking sarili na bumalik sa dati kung anyo. Ilang minuto ko 'yon ginawa bago nakabalik sa dati kung anyo.

Sa ilang taon ko na namalagi dito sa Zabranskie Forest na pagitan ng mundo ng mga bampira at tao, natutunan ko na kung paano kontrolin ang aking sarili.Ilang taon nalang ang aking hinihintay bago maging ganap na tao.

Tumayo ako at dumungaw sa aking bintana. Nakita ko ang mga bisita ni Nani na nag sasaya sa gilid ng aming bahay. Bumaba ako at nakita ko ang babaeng kuminang ang batok kanina na papalabas ng sala. Agad ko syang hinarangan at nakita ko ang gulat sa kanyang muka.

"Hmm b-bkit? "Tanong nito at nahalata ko ang panginginig nang kanyang boses.

Hindi ako nag salita at tinitigan ko lang sya. "Ahmm may dumi ba'ko sa muka? "Tanong nya ulit.

"What's your name? "Tanong ko

"Sedona,"mabilis nitong sagot

Hindi ko na napigilan ang aking sarili.Hinawakan ko sya sa braso at pinatalikod.Hinawi ko ang kanyang buhok at doon ko nakita ang kanyang batok na may nakamarkang "S"

The Vampire Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon