TWELVE

28 2 0
                                    


-Gala

Nasa kusina kami,kumakain.Tahimik kaming tatlo at walang balak magsalita.

Ilang linggo ding hindi ko pinapansin si Jigzz. Bahala sya sa buhay nya. Miss na miss ko na si Elloy tapos ayaw nyang magkita kami.

Kaunti lang yung kinain ko at tumayo na ako para bumalik sa aking kwarto.

"Sedona, umupo ka ulit,"matigas ang boses ni Jigzz nung sinabi nya yun.

Napasimangot nalang ako at naglakad papalabas ng kusina. Wala syang karapatang utos utusan ako. Tsk.Pero bago pa ako makaalis ay hinablot na nya ang aking braso at pinaupo ulit.

"What's your probleam!? "Sigaw ko

"Eat."Kinuha nya ang kanyang upuan at tumabi sa akin.

"Tapos na ako. Bulag kaba? "Naasar ata sya sa sinabi ko dahil binigyan nya ako ng masamang tingin.

"Ang 'onti ng mga kinakain mo.Ang payat payat mo na,"sabi nya at ipinagpatuloy ang pagkain. Sumimangot naman ako. Ano namang pake nya? Ayaw ko lang naman talaga na kasabay syang kumain kasi naiirata ako sa pagmumuka nya.

"Kumain kana,"sabi naman ni Giro.

"I'm done."Tumayo ulit ako pero agad nya nanamang nahablot ang braso ko. Away nanaman ba ang gusto nya?

"I said, eat,"matigas nyang sabi.

"Eat mo muka mo,"sigaw ko at itinulak sya bago tumakbo papuntang kwarto ko at inilock.

"Sedona! Open this door,"kinalampag nya pa yung pintuan.

"Ano ba? Umalis ka na nga. Busog na ako kaya ayoko ng kumain tsaka don't talk to me nga, nakakairita ka,"pabalik kung sigaw. Tumigil naman sya sa pagkatok.Narinig ko ang mga yabag nya na papaalis.

Napabuntong hininga ako bago pumunta sa balcony. Ang aking favorite place. Nakakagaan ng loob ang tanawin.

Umupo ako sa upuan at ipinatong ang aking mga paa sa isa pang upuan. Dito na ako madalas namamalagi. Dito din ako nag i-sketch para presko at damang dama mo ang kagandahan ng view.

Nakaka relax at napaka peaceful. Wala namang ganito sa Manila. Puro mga buildings at sasakyan lang ang nakikita ko tsaka palagi pang traffic.

Namalagi lang ako doon at nag isip ng kung ano ano at nang nag sawa na ako ay bumalik na ako sa loob.

Kaumagahan. Habang nag susuklay ako dahil katatapos ko lang maligo. Kumatok ang isang kasambahay. Sinabi nyang kakain na daw. Ayaw ko sanang lumabas pero gutom na ako.

Habang kumakain ako, hindi ko malasahan yung ulam dahil distracted ako sa pagmumuka ni Jigzz na nakatitig sa akin.

"What? "Tanong ko sa kanya.

Hindi nya ako sinagot at kumain nalang sya. Nang natapos akong kumain.Hinawakan nya ang kamay ko at dinala ako papalabas ng palasyo.

"Ano ba!? "Sigaw ko habang nag pupumiglas pero mahigpit ang pag kakahawak nya sa akin.

"Problema mo ba? Bitawan mo nga ako!"Inis kong sabi.

"Huwag kang maingay, "seryoso pero madiin nyang sabi.

"Inuutusan mo ba ako? Tsaka saan mo ba ako dadalhin!? "Tanong ko

"Igagala kita,"sagot nya.

Natigilan ako at tumango tango. Mukang magandang ideya yun ah. Pumayag nalang ako dahil hindi pa nya ako ginagala dito sa Brienolo Kingdom.

Una naming pinuntahan ay yung mga nakikita ko sa may balcony na kulay yellow-green na mga puno. Hilehilera sila at may daanan sa gitna. Matataas yung mga puno at may mga baging ito na mas lalong nagpaganda.Ang inaapakan naman namin ngayon ay green na buhay na buhay na bermoda grass. Ang ganda lang dahil sa may gitna ng daanan lang na ang may bermuda.

The Vampire Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon