EIGHT

53 2 3
                                    


-Fight

"Tapos naba? Yun na 'yun? "Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa palasyo

"Yes." Tuloy tuloy lang sya sa paglalakad at hindi ako nilingon.

"Tapos na pala. Nasaan si Elloy? I want see him,"sabi ko.Gusto ko syang makita dahil miss na miss ko na sya kahit konting oras lang kaming nagkakalayo. Hindi din ako mapanatag kase nag aalala ako para sa kanya.

Tumigil ito sa paglalakad at lumingon sa akin. "Hindi kayo pwedeng magkita hanggat hindi natatapos ang limang buw-"

"What? Nagpapatawa kaba? Gusto ko lang ipaalam sayo na si Elloy ang una kong pinakasalan."Matigas kung sabi. Hindi nya ako pinansin at nagpatuloy nalang ito sa paglalakad. Hindi ko sya tinigilan sa kapipilit na gusto kong makita si Elloy.

Nang makarating kami sa kwarto kung nasaan ako kanina,pumasok kami dito at isinarado nya ang pinto bago ako hinarap.

"Look, ginagawa ko lang ito dahil may sarili akong dahilan at ayaw kong malaman ng ibang tauhan dito na may iba kang pinakasalan noon"Sabi nya.

"Hindi naman nila malalaman ah.Gusto ko lang syang makita. Gusto ko syang maka usap. "Pag pupumilit ko.

"Hindi nga pwede. Para din naman ito sa ikabubuti natin"

"Para sa ikabubuti natin? o para sa ikabubuti mo?.Gusto ko syang makita! "

"Hindi kaba nakaka intindi! "Nagulat ako dahil sa sigaw nya. Napa atras ako.Huminga sya nang malalim bago nag salita ulit. "Please, makinig ka nalang sa akin. Five months lang naman.Pagkatapos n'on ay malaya na kayo"

Nahalata ko ang panlalabo nang aking mata. Pinigilan ko ang mga luhang malapit nang pumatak. Bumaling ako sa kanya gamit ang galit kong ekspresyon. "Malaya!? Malaya naman kami ah kaso dumating kalang. Isang bampira na nagdala sa amin dito sa kaharian nya at nagsabing sya daw ang nakatadhana sa akin at kapag daw hindi ko sya papakasalan, papatayin daw nya ang pinaka mamahal ko.Wala naman akong choice kundi ang umo-o kase nasa kaharian nya kami. Diba? Malaya kami noon. Malayang nag nagkikita,malayang nag uusap tas boom! Dumating kalang nasira na ang lah-"

"SHUT UP, SEDONA! "Nanginig ako sa takot dahil sa malakas nyang sigaw at sa pagbabago nang kulay ng kanyang mata. Hindi ko na napigilan ang aking mga luha at nag siunahan na silang pumatak.Galit at takot ang naramdaman ko sa kanya.

"Anong karapatan mong sigawan ako nang ganyan! Ni kahit nga si Elloy hindi ako pinag tataasan ng boses! "Malakas kong sigaw.

"Look, hindi ko sinasadya. Narindi lang ako-"

"Hindi lang ikaw ang naririndi. Rinding rindi na'ko sayo. Gusto kong makita si Elloy. Where is he? "Kumalma ako kahit papaano.

"Five months lang  ,Sedona," mahinahon nyang sabi.

"Ano ba! Gusto ko nga syang makita ngayon! "

Imbes na sagutin ako, tumitig lang sya sa mata ko. Kahit na gusto kong iiwas ang aking mga mata sa kanya, hindi ko magawa. Para akong nahehepnotismo sa kanyang mga titig. Nakaramdam ako ng familiar na feeling. Unti unting nanlambot ang aking mga paa at bumigat ang aking mga mata. Kahit ilang ulit kong pigilan ang pag tiklop nito, hindi ko magawa. Naramdaman ko nalang na bumaksak ako sa mga bisig nya at nawalan na nang malay.

****

Bumukas ang pinto at pumasok ang isa sa mga katulong nila. Hindi ko sya pinansin at nag patuloy ako sa paninitig ng kisame. Kanina pa ako gising at wala ako sa mood na tumayo.

"Miss, Sedona. Kumain daw po kayo sabi ni Sir Jigzz,"sabi nito at inilapag ang dala nyang pagkain sa lamesa.Hindi ako nagsalita at hinayaan syang lumabas.

The Vampire Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon