NINETEEN

12 0 0
                                    


-REYNA

"Ano ba!? Bitawan nyo nga ako!,"sigaw ko nang tanggalin nila ang nakatali sa aking bibig.

"Huminahon kapo mahal na Reyna."Kinilabutan ako nang may nagsalita sa kanila. Teka? mahal na reyna? Alam naman pala nilang reyna ako eh bat itinali at piniringan pa nila ako? Kinikidnap ba ako ng mga bwisit na 'to!?

"Paano ako hihinahon kung nakapiring parin ang mata ko? Tsaka nakatali din yung kamay ko.Sino ba kayo ha? Bat nyoko ginanito? Tsaka saan nyoko dinala? "

Natakot ako nang naisip kong puro sila bampira.Baka lapain ako ng mga to.

"Mahal na Reyna, nasa kaharian ka po ng Weyden. Huwag ka-"

"Ha!? Anong weyden?  Hindi ko yan alam tsaka sino ba kayo? Tanggalin nyo nga tong piring at tali sa kamay ko,"hindi ko mapigilang hindi mapasigaw.

Kapag talaga nakawala ako dito, sasabihin ko kay Jigzz na parusahan sila. Tinakot nila ako! May pa kidnap kidnap pa silang nalalaman at ano bang kailangan nila sa akin?

"Baka magwala po kayo mahal na reyna. Ipapaliwanag naman po namin kung bakit ka namin dinala dito"

"Hindi nyoko sasaktan? "

"Bawal pong saktan ang aming Reyna"

Naks naman! Minsan masarap din palang maging reyna.

"Sige na, umpisahan mo nang magpaliwanag,"I said.

"Dinala ka po namin dito sa kaharian ng Weyden dahil matagal kana po naming minamanmanan."

"At bakit nyo naman ako minamanmanan? "Pagalit na tanong ko.

"Dahil po sinusuri po namin ang kapangyarihan nyo. Naalala nyopo ba nung nasa duyan ka? Nandon po ako, minamanmanan kapo namin. Alam kopong nakita nyo ako dahil bigla ka nalang pong tumakbo"

Inalala ko yung araw na yun. Yun yung araw na sobarang nainis ako kay Jigz kaya ako umalis ng palasyo. Yung araw na ang laki laki at ang dilaw ng buwam, yung araw na ang daming bampirang sumugod sa amin at yung araw na hinalikan ako ni Jigzz. Bat ko ba yun naalala!? Tsk.

"Ah ikaw pala yun. Natakot kase ako nun kaya ako tumakbo,"para akong timang na nag sasalita kahit may piring sa mata ko.

"Pasensyo po mahal na reyna kung natakot kopo kayo.Nung araw po nayun, doon po sumugod ang mga bampira dahil gusto ka nilang kagatin.Pero nung sumigaw ka at tumilapon silang lahat, alam po namin nung mga oras na yun na totoo ang aming hinala"

"Anong hinala? Tsaka diko alam kung bakit sila tumilapon"

"Totoo pong ikaw ang matagal ng nawawalang Reyna dito sa kaharian ng Weyden"

Weyden? Sandali parang familiar. Parang nasabi na ni Jigz sa akin yun?Tsaka reyna ng mga weyden? Ang alam ko lang naman ay reyna ako sa Brienolo Kingdom dahil pinakasalan ko si Jigzz, bakit napunta sa mga weyden?

"Teka sandali, naguguluhan ako. "

" Nagkagulo po kase ang mga Weyden at ang mga Zerani Vampires kaya't napilitang umalis ang inyong ina noon.Dinala nya kayo sa mundo ng mga tao.Ang mga Zerani ang pumatay sa inyong ama at ina. "

"Wait hahaha-"Hindi ko mapigilang tumawa dahil sa kwento nya.

"...sorry natawa ako hahaha. Kase may pamilya ako sa mundo ng mga tao. Kompleto kami, si papa si mama tsaka yung dalawang kapatid ko.Tapos sasabihin mong anak ako ng isang Weyden?Tsaka Zerani? Anong zerani yan? "

Pero muka ding pamilyar yung zuno na yun, gosh! Bakit ba hindi gumagamit ang utak ko ngayon. Pinilit kong inisip kung saan ko ba narinig yung Zerani at tumpak! Yun yung sinabi ni Jigzz na pinamumunuan nya sa Brienolo, ang mga zerani vampires.

The Vampire Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon