SEVENTEEN

19 1 0
                                    

-Birthday

"Jigzz, "tawag ko sa kanya. Titig na titig sya sa gawa kong painting nya. Lumingon sya sa akin habang nakangiti.

"Ano yun? "He asked.

"Tutal ginawan kita ng painting,p-pwede bang makita ko si Elloy? "Kinakabahan kong tanong.

Biglang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Kumunot ang kanyang noo.

"Kaya ba pumayag ka na gawan ako nito dahil gusto mong makita si Elloy? "Halatang nag pipigil lang ito ng galit.

"Hindi. Hindi sa gano'n. Hindi naman ako humihingi sayo ng kapalit pero kasi miss ko na si Elloy. Higit isang buwan ko na syang hindi nakikita. "Paliwanag ko.

"Let's go, "mahina pero madiin nyang sabi. Malamig ang kanyang boses. Alam kong galit sya sa akin pero miss na miss ko na talaga si Elloy.

Nang nakarating na kami sa may harapan ng pintuan ng kwarto ni Elloy, bumaling sa akin si Jigzz.

"20 minutes, "malamig nyang sabi bago sya umalis. Dali dali ko namang binuksan ang pintuan at doon, nakita ko si Elloy na may itinutuping papel.

Napatingin sya sa gawi ko at agad nanlaki ang mata nya. Tumayo sya at agad lumapit sa akin.Niyakap nya ako nang bahigpit bago ako hinalikan sa pisngi, sa noo, sa ilong bago sa labi.Hinalikan ko naman sya pabalik.

Gosh! Miss na miss ko 'tong lalaking ito! Kung sa palasyo nga na may kasama ako doon e nabo-bored ako paano nalang si Elloy na mag isa dito? Hindi ko maimagine kung gaano kalungkot ang buhay nya dito.

Hinihingal kami nang bumitaw kami sa halik. Nakangiti sya at kitang kita ko kung gaano sya kasayang makita ako.

"I miss you. I really miss you, "he said bago ulit ako hinalikan. Sabik na sabik ako sa kanya kaya hinalikan ko ulit sya pabalik. Nakahawak ako sa kanyang balikat.

Naramdaman kong gumapang ang kamay nya sa tyan ko. Pataas ito ng pataas. Pero bago pa makarating ito sa gusto nyang puntahan, humiwalay na sya sa akin.

"Sorry, I got carried away, "naka yuko nyang sabi at kitang kita ko nanaman ang pag pula ng kanyang tenga.

Hindi ko maiwasang matawa. Piningot ko ang ilong nya bago ito binigyan nang mabilis na halik.

"It's okay, "I said.

Umupo ako sa kama at hinila sya papunta doon. Nakita ko naman yung itinupi nyang papel kanina at inilagay nya ito sa kanyang likod.

"Ano yan? "I said.

"Letter"

"For? "

"For you, "mahina nyang sabi.

Masaya akong tinitigan sya sa mata "Weh? Patingin! "I said.

Umiling-iling sya bago nag salita. "Ibibigay ko ito sayo pero wag mo munang basahin. Bukas mo nalang ito basahin ,sa birthday mo, "nakangiti nyang sabi.

"What? Birthday? "Kunot noong tanong ko.

"Oo! Nakalimutan mo? "Pout nyang tanong.

Hala! Birthday ko pala bukas, bakit ko ba yun nakalimutan? Tsaka birthday din ni Jigzz, so parehas pala kami?

"Oo, na excite kasi akong makita ka,"kinuha ko yun at inilagay sa aking bulsa.

Ngumiti sya bago nagseryoso. "Sedona, "he said. Seryosong seryoso kasi ang muka at pananalita nya. Kinabahan naman ako bigla.

"Why? What's wrong? May problema ba? "Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi. Agad naman nya akong niyakap.

"Nothing. I just missed you and thank you,"naramdaman ko ang pagbasa ng aking balikat. Umiiyak ba sya?

The Vampire Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon