FIVE

72 2 1
                                    


-Jigzz Wright Mohhlin

 

                "Third Person's POV"

 *At Brienolo Kingdom*

"Get out! "malakas na sigaw ng isang lalaki na umalingawngaw sa loob ng kanilang pasilyo.Agad namang nagsilabasan ang dalawang kasambahay na nag dala ng kanyang mga pagkain.

"Jigzz! "isang matigas na boses ang nagpalingon kay Jigzz sa kanilang pintuan.

"What?dad! I said I want to be alone! "sigaw nito.

"Calm down,child. Huwag kang mag madali."Dahil sa mga sinabi ng kanyang ama ay hindi nya mapigilang mairita. Napatayo na ito dahil sa galit.

"'Huwag magmadali!? Naririnig moba ang sinasabi mo? Ilang taon nang nakalipas at wala paring maituro kung sino ang pumatay kay mama. How can I calm!? "Pait at sakit ang naramdaman nya nang banggitin nya ang kanyang ina.

"Look, Jigzz.Ipapasa ko din naman sayo ang crow-"

"Bakit hindi nyo nalang gawin iyon ngayon? Anong pabang hinihintay mo, dad? Kung wala kang magawa sa pagkamatay ni Mama. Ako ang gagawa nang paraan para mahuli ang pumaslang sa kanya! I know that you don't love enough mama kaya hindi ka pa nag uutos na ipahanap ang mga puma-"

"Para iyon sa kaligtasan mo, Jigzz! Wala kang alam kung gaano ako naghirap nang mawala ang mama mo! At wag mong isusumbat sa akin na hindi ko minahal nang buo si Talia!"

"Para sa kaligtasan ko? Are you kidding me, dad? Kaya kung protektahan ang sarili ko,"mariin nitong sabi.

"Giro said, kapag minadali kong ipapasa sayo ang korona ay sa huli, ikaw din ang masasaktan. I don't know kung anong ibig nyang sabihin but it's dangerous! Kaya please, makinig ka sa akin. Just wait till your birthday."

Galit na ekspresyon ang ipinakita ni Jigzz sa kanyang ama. "Yun lang? Dahil lang sa sinabi nyang masasaktan ako bandang huli? Dad! pwedeng magkamali ang mga hula nya o pwedeng magbago. Hindi na ako makapag hintay. You're getting old,dad! Nawawalan na tayo ng mga tauhan at alam kung hindi na ganoon kalakas ang kapangyarihan mo. "

Sa huling sinabi no Jigzz ay naramdaman nya ang kirot nang kanyang puso.Dapat sana'y umpisa palang, nang malakas pa ang kanyang ama ay dapat nag utos na ito nang maghahanap sa pumaslang sa kanyang ina. Ngayo'y hindi na sya masyadong iginagalang ng kanilang mga tauhan dahil tumatanda na ito at naging tradisyon narin ito nang Brienolo Kingdom.

Palagi nalang nilang pinag tatalunan ang pag papasa sa korona. Kahit na si Jigzz ang prinsipe ng Brienolo Kingdom ay wala syang karapatang utusan ang mga tauhan na hanapin ang pumatay sa kanyang ina dahil nasa kanyang ama ang lahat ng kapangyarihan. Sya lang ang kanilang susundin.

"You're so stubborn. Mana ka talaga sa mama mo,"sabi nang kanyang ama. Nanginig ang kamay nito dahil sa mga katagang binitawan. Naaalala nya ang kanyang asawa sa kanyang nag iisang anak dahil sa katigasan ng ulo.

Bumuntong hininga ang kanyang ama bago ulit nag salita. "Kung gusto mo na talagang maipasa sayo ang korona at maging hari ng lupaing ito, kailangan mong hanapin ang iyong mapapangasawa."Seryoso ang pagkakasabi nito dahilan kung ba't hindi nito nagawang tumawa sa pag aakalang nag bibiro ito.

"Asawa? I don't need a wife, dad. Sabihin mo nalang na iniimbithan lahat ng mga kalahi natin na dadalo dito mamayang gabi upang makita nila ang paglipat mo sa akin ng korona"

"Hindi ka magiging ganap na hari kung wala kang asawa! Alam mo ang patakaran sa kahariang ito"

Ang patakaran ng kanilang kaharian ay bawal ipasa ang korona sa susunod na hari kapag wala pa itong asawa. Kapag sumuway sila ay malagi itong kasalanan at pag tataksil sa kanilang kaharian.

The Vampire Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon