SEVEN

48 2 1
                                    

-Married

Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa aking mga luha.Kailangan kong bilisan ang pag takbo! Kailangan kung makabalik sa bahay nila aling Nani. Madami kami doon at nag iisa lang ang lalaking humahabol sa amin pero sinong niloko ko? Kung alam ni Shalo na mahina ang humahabol sa amin, dapat sana ay hindi na nya kami kinailangan pang ipagtabuyan at tumakbo papa alis sa gubat na ito.Ibig lang sabihin noon na wala din magagawa sila Din.

Shit! Kahit na wala na kaming laban! Hihingi ako ng tulong kay Shalo.Hindi ko alam ang nangyayari pero nangingilabot. Hindi ko kayang iwanan si Elloy ng ganon ganon na lang.

Bilis pa Sedona! Malapit kana.Sabi ko sa aking sarili. Mabuti nalang at bilog ang buwan kaya medyo maliwanag.

Nagulat ako nang may pulang mata akong nakita sa madilim na parte ng puno. Nangilabot ako at dali daling tumakbo pakaliwa.Shit! Baka lobo ang isang yun. Baka makasalubong ako ng mababangis na hayup!

"Not so fast."Sa isang idlap. Kaharap ko na iyong lalaking humahabol sa amin kanina ngunit hindi na dilaw ang kanyang mata. Pulang pula na ito at nakita ko ang matutulis nyang kuko. Nang nagsalita ito, nakita ko ang kanyang mga pangil.

Nananaginip ata ako. Kinurot ko ang aking sarili at naiyak nalang hindi dahil sa sakit na naramdaman kundi alam ko sa sarili ko na hindi ako nananaginip.Hindi ako tanga para hindi malaman kung anong uri ang nakaharap sa aking lalaki. He's a vampire!

"Why are you running, Sedona?"Malambing ang pagkakasabi nito sa akin.Bobo ba sya? Anong gusto nyang gawin ko? Huwag akong tumakbo at mag palapa sa kanya!?

Napaiyak ako at kahit na nanginginig na ako sa takot, pinilit ko parin ang sarili ko na magsalita dahil ayaw ko nang tumakbo, sigurado naman ako na mahahabol at mahahabol din nya ako.

"Who are you? Anong kailangan mo sa akin,ha!? Where's Elloy? "Sunod sunod kung tanong.

"Oh that boy. He's gone"Ngumiti ito sa akin. Kahit na kita ko ang mga pangil nya, hindi ko magawang matakot dahil sa mga sinabi nya.

"Where's Elloy! Hindi ako naniniwala sayo. You fucking evil.Anong kailangan mo sa akin ha!? Sisip sipin mo din ba ang dugo ko gaya ng mga pinapalabas sa TV!? Papatayin mo din ba ako? Please kung ganon ang gagawin mo, mag hanap ka nalang ng iba. Hindi pa ako pwedeng mamatay!"Pinahid ko ang aking mga luha. Kailangan kong hanapin si Elloy. Hindi ako naniniwala sa demonyong kaharap ko ngayon. Alam kung hindi ako iiwan ni Elloy, nangako sya!

Nagulat ako nang tumawa ito. "I just need you for the crown.Kailangan mong sumama sa akin. Don't worry, hindi ko sisipsipin ang dugo mo,"sabi nito.

"No! Hinding hindi ako sasama sayo! "Sigaw ko. Pumikit ito at nang idinilat nya ang kanyang mata, matalim nya akong tinignan. Para akong nanlalambot sa kanyang titig at naramdaman ko ang pagbigat ng talukip ng aking mata.

"E-lloy"Huling katagang binitawan ko bago ako mawalan ng malay.

Nagising ako sa isang kwarto.Inilibot ko ang aking mata at naamoy ko ang bango ng kama.Nakita ko ang isang  chandelier.Teka nasaan ako? Bumalik ang mga alaala kanina bago ako nawalan ng malay.

Tumayo ako at nagulat ako dahil nasa isang upuan yung lalaking bampira. Naka siklop ang mga hita nito at nakasandal habang titig na titig sa akin.Nakita kong dilaw na ang kulay ng kanyang mga mata at wala na ang kanyang pangil katulad kanina.

Agad akong tumakbo papuntang pintuan ngunit hindi ko iyon mabuksan.Kinalampag ko iyon at sumigaw.

"Tulong! Nasaan ako? tulungan nyo ako! "

Napalingon ako sa lalaking naka upo nang magsalita ito. "Wag ka nang humingi ng tulong. Sinasayang mo lang ang lakas mo"

Hindi ko sya pinansin at nag patuloy sa kakasigaw pero nagsalita sya ulit.

The Vampire Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon