FOURTEEN

22 2 0
                                    

   -First kiss

                 

                       "JIGZZ'S POV"

"J-jigzz. "Ramdam ko ang panginginig ng boses ni Sedona nang tawagin nya ang aking pangalan.

Hindi ko sya pinansin at bumaling ako sa aking mga sugat. Fuck! Paano nila nagawa sa akin 'to gayong ako ang hari. Paparusahan ko talaga ang mga 'yun bukas na bukas. Pinagtulungan nila ako, damn!

"Jigzz, I-I'm s-sorry."Yumuko sya at tumingin sa kanyang kamay.

"Umalis ka nalang dito"

"No.Gagamutin kita."Naglakad sya papunta sa akin at umupo sa tabi ko.

"Kaya ko na ito, Sedona. Maghihilom din ito maya maya."

Tumayo ako upang kunin yung towel at mainit na tubig na dinala ng kasambahay kanina dito sa kwarto ko.

"Ako na ang maglilinis."Hinablot ni Sedona ang towel at binasa pagkatapos pinunasan nya ang sugat sa muka ko.

"I'm sorry,"mahina nyang sabi.

Bigla kung naalala kanina yung nangyari. Nagbalik sa akin kung papaano tumalsik ang mga bampirang sumugod sa amin.

"Paano mo nagawa yun? "Tanong ko.

Mukang hindi nya alam kung anong tinutukoy ko kaya sinabi kung nakita ko yung nangyari kanina.

"Hindi ko din alam. Sumigaw lang ako at bigla nalang silang tumalsik."

Tumango tango naman ako dahil muka talaga syang walang alam.

Pero paano nga ba nangyari yun? Sya ba talaga yung dahilan kung bakit nangyari yun? Pinilig ko nalang ang aking ulo bago tinanggal ang aking damit. Nakita kung mas madami akong sugat sa katawan.

"I'm really sorry,"sabi ulit ni Sedona. Muka itong guilty nang makita ang sugat sa aking katawan.

Para syang naiiyak at ramdam ko ang pag lunok nya.

"Huwag kang humingi ng tawad dahil hindi mo naman alam na may mangyayaring ganito,"sabi ko para hindi na sya tuluyang maiyak.

Umiling iling sya bago nagsalita. "Kasalanan ko parin. Dapat hindi na ako lumabas pa nang palasyo"

"Sa susunod, wag ka nang lumabas"

Kinuha ko sa kanya ang towel at ako na ang naglinis sa aking sugat. Linis lang ang kailangan nito dahil mayamaya, maghihilom na sila. Ano pa't naging hari ako kung hindi ko kayang paghilumin ang aking mga sugat.

"Sedona, bumalik kana sa kwarto mo. "Pagpapa alis ko sa kanya dahil masyado syang malapit  sa akin at amoy na amoy ko ang kanyang dugo.

"Hindi pa nalilinisan ang sugat mo sa likod-"

"Kaya ko na ang sarili ko. "

"Ako na ang mag lilinis sa sugat mo sa likod."Kinuha nya sa aking yung towel.Sinimulan nyang linisan ang aking sugat sa likod at mas lalo kung naamoy ang kanyang dugo. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at tumingin ako sa kanya.

Mputla, maputla ang kanyang muka. Mapulapula ang kanyang labi. Mahaba ang kanyang pilik mata.

Dahil sa mga yun, nawala sa isip ko ang amoy ng kanyang dugo.Mas pinagtuonan ko ng pansin ang kanyang mapula pulang labi.

Napatitig din sya sa akin.Mga ilang minuto kaming nag titigan at bago pa sya makapagsalita, unti unti akong lumapit sa kanya at idinikit ko ang aking labi sa kanyang labi.

The Vampire Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon