SIXTEEN

35 2 0
                                    

-Painting

Maaga akong gumising para puntahan si Sedona. Pag pihit ko sa kanyang pintuan, hindi ito naka lock.

Tong babaeng talaga to, sabi ko mag lock. Tsk.

Maaga talaga akong pumunta dito para bantayan sya, mahirap na baka pasukin sya ni tito.

Nakita ko syang mahimbing  na natutulog. Napaka aliwalas ng kanyang muka, napaka ganda nito.

Ipinilig ko ang aking ulo bago inilibot ang aking paningin sa kanyang kwarto. Maayos ito at madaming paintings na naka lagay sa isang gilid.

Nag lakad ako papunta doon at tinignan lahat ng paintings nya.Namangha ako sa mga gawa nya dahil ang gaganda.

May isa doon na nagustuhan ko nang sobra. Yung sa may duyan na pinuntahan namin noon.Kuhang kuha nya kase.Pwede na itong i-display sa palasyo.

Nag libot libot pa ako sa kwarto nya nang may nahagip ang aking mga mata . May isang painting na may puting tela na nakatakip. Tinanggal ko iyon at nakitang portrait pala yun ni Elloy.

Sa may baba nito ay may nakasulat na "I will always love you no matter what " At may perma pa ni Sedona.

Tsk, ang cheesy naman masyado. Ibinalik ko na dahil na che-chessy han ako.

Pumunta ako sa may balcony nya. Magandang tanawin ang bumungad sa akin.Humampas ang sariwa at malamig na hangin. Nakaka relax talaga dito.

Namalagi ako ng ilang minuto doon nang tinawag ni Sedona ang aking pangalan.

"Gising kana pala,"I said.

"Anong ginagawa mo dito? "Pinanliitan nya ako ng mata.

"Binabantayan ka. Baka pumasok si tito dito. "

"Maaga na, Jigzz. Tsaka mararamdaman ko naman kung gagapangin nya ako,"Irap nyang sabi.

"Mararamdaman? Eh hindi mo nga naramdaman ang pag pasok ko. Tsaka diba sabi ko mag lock ka? Bakit nung pumasok ako kanina, hindi naka lock ? "Asar kung sabi.

"Ah hindi ba? Baka naka limutan ko. "

"Hindi ka talaga nakikinig sa akin. Tsk"

"Ang sungit mo ah. Umagang umaga.Alis na nga at maliligo ako. "Nakapamewang nyang sabi.

"Pwede ka namang maligo kahit nandito ako. Dito lang naman ako sa may balcon-"

Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko, tinalikuran na nya ako. Bumuntong hininga nalang ako bago pinagmasdang muli ang tanawin.

Nung bata ako, dito ko pinaka paboritong tumambay. Kwarto kase 'to dati ni mama tsaka palagi kaming nag kukulitan. Hays, kung sana buhay pa sya ngayon, siguradong matutuwa yun pag nalaman nyang kasal na ako.

Palagi nya kaseng sinasabi sa akin na kapag daw kinasal ako, yun daw yung pinaka masayang araw nya at kaylangan daw nandon sya sa kasal ko, kaso hindi na nya naabutan pa.

Kung pwede lang sana ibalik ang dati, matagal ko nang ginawa.Gusto kong makita ni mama ang napangasawa ko, ang buhay ko ngayon at gusto kong alagaan sya pero ang hirao dahil alam ko namang gindi na mang yayari yun.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ni Sedona kaya napatingin ako doon. Nakita ko si tito Hisham.

"Oh, Jigzz. Nandito ka pala"

Malamang. Asawa ko si Sedona eh,tsk.Sinasabi ko na nga bang pupunta sya dito. Tong matandang talaga to.

"Ah opo,tito.Hinihintay ko si Sedona.Kayo?bakit kayo nandito? "

The Vampire Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon