TWO

74 2 0
                                    

-Creepy

"WOW! "Bulalas ko.Diko expect na ganto pala kaganda ang Zabranskiee Forest. Hindi sya katulad nung ibang Forest.

"See?Ang ganda diba?"Sabi ni Rii sa gilid ko.Tumango tango naman ako.

"Ahmm saan tayo mag i-stay? "Tanong ko. Wag nilang sabihin na mag te-tent kami.

"Sa tent! "Masayang sabi nya. Nasapo ko nalang yung noo ko. Seryoso ba sila?Paano pag may ahas? paano pag may mga wild na animals na umatake? Okay, I'm getting paranoid nanaman.

Nahalata naman ni Rii ang pagngiwi ko.

"Joke lang, Ona! Kila Aling Nani tayo tutuloy," at hinila na nya'ko papunta kila Elloy.

"Nani? "Naguguluhan kung tanong.

"Hay nako! Bat ba walang kinukwento 'tong si Elloy sayo,yan tuloy ang dami mong hindi alam,"natatawa nyang sabi.

May meeting kase kami n'on and hindi ako naka punta kase birthday ni mama. Si Elloy nalang ang pumunta at hindi ko naman alam na yung meeting na 'yun ay about sa team building namin. Ang sinabi lang ni Elloy sa'kin na 3 days kami don at ang pupuntahan namin ay dagat. Malay ko bang sa Forest kami pupunta at may Nani pa kaming tutuluyan.

"Si Aling Nani,dun tayo tutuloy. Sya lang daw ang nag iisang nakatira dito. Ay hindi pala, may anak pala syang lalaki. So, dalawa silang nakatira sa may gitna ng Forest na'to. Paano namin nalaman? kase yung kapatid ni manager, dito sila pumunta last last year. Kila aling Nani din sila tumuloy,"mahabang paliwanag nya. Tumango tango naman ako.

Kung iisiping mabuti, ang creepy na may nakatira pala sa gantong Forest. Tas dadalawa pa sila. Saan kaya sila kumukuha ng pagkain? Sa mga bunga ng prutas dito? Pumupunta kaya sila sa bayan para mag grocery? Hindi kaya sila natatakot sa Forest na'to? Bat hindi nalang sila lumipat ng bahay? Okay! Ang dami ko nanamang tanong sa utak ko.

"Babe, let's go,"Elloy said. Binuhat ko yung isang bag at sya naman ang nagbuhat sa dalawa. Naglalakad kami papunta sa tutuluyan namin. Inilibot ko ang paningin ko sa Forest na'to. Madaming ibon na nagliliparan tas hindi pa masyadong maaraw and ang creepy kase medyo malamig.Green na green ang mga dahon ng puno dito at may pine tree pa na hilehilera sa kanan namin.Madami ring mga baging sa mga puno na nag papaganda.

After higit 20 minutes na paglalakad, sa wakas nakarating din kami.Nakaharap kami ngayon sa bahay na dalawang palapag na gawa sa kahoy. Maganda sya at mukang sobrang luma. Sa gilid nito ay may punong sobrang daming ugat at dahon. It's creepy but beautiful at the same time.

"Tao po,"kumatok katok pa si Din, ang manager namin.

Nakailang katok palang si Din nang may lalaking nag bukas sa pinto. Kaedad lang ata namin sya. Isa isa nya kaming tinignan, blangko ang kanyang expression. Pinaglakbay ko ang aking mata sa muka nya.

Mahabang buhok na itim. Matangos na ilong, manipis at mapulang labi. Mahabang pilik mata. Naka suot sya ng itim na t-shirt ,faded jeans at itim na tsinelas. Ang kutis nya ay sobrang kinis at puti.Katamtaman ang laki ng kanyang katawan, pero ang nakapag tataka, ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung dilaw ba 'yun oh black. Parang kapag natapatan ng liwanag, nagiging dilaw.

"Ah eh, pasok kayo. Pag pasyensyahan nyo na 'tong anak ko, hindi sya sanay sa ibang tao,"paumanhin ni Aling Nani.

Kinalabit ko naman si Rii. "Alam nya ba na pupunta tayo dito? "Tanong ko.

"Oo.Sinabi na nung kapatid ni Din kay Aling Nani noon na kung pwede daw ba dito tayo tumuloy.Pumayag naman si Aling Nani. Ang totoo nyan, naligaw kase yung kapatid ni Din kaya nila nakita tong bahay ni Aling Nani. Mabait naman daw si Aling Nani at pinatuloy nya sila dito"mahabang sabi nya.

The Vampire Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon