Chapter FOUR

14 11 0
                                    

Water's POV

Nanigas ako sa kinatatayuan ko sa itinawag ni Ramses sa akin.

"W-what did you just call me?" tanong ko sa kanya sa mahinang boses. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko ngayon -- that endearment...it's always in my past memories... 'Sweetheart...I call him Sweet and he calls me Heart...corny, but my heart recognizes it...'

'Siya na kaya?'

Nagsalubong ang mga kilay ko nang kibit-balikat lang ang isinagot niya sa'kin saka prenteng isinandal ang likod ng ulo niya sa mga kamay niya saka sumandal sa silya niya. Nanunukso ang tingin nito sa akin. 'What the...this guy's a certified flirt. Tsh.'

"From my parents. They used to call each other 'Heart' as their endearment," I saw something flash through his eyes...Sadness? Pain? Anger? Hatred? Bitterness?...Longing? Basta, isa sa mga 'yon. Agad din kasing naglaho 'yon kaya hindi ako sigurado kung ano talagang emosyon 'yon. Tinitigan kong mabuti ang mukha niya para malaman kung nagsisinungaling ba siya at may tinatago.

But I only saw the truth in them. 'Does this mean that he's not the one I'm looking for?...Or is he just really good at lying and pretending?'

"Used to?" tanong ko na lang sa kanya. Hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanya at kay Zillion ang nangyayari sa'kin hangga't hindi pa 'ko nakasisiguro kung sino sa kanila ang lalaking mula sa nakaraan ko.

Biglang sumeryoso ang kaninang nanunukso niyang mukha. Napalunok ako sa matinding titig niya sa'kin. 'Shit. I wish I never asked him that. Stupid Water!'

"Yeah. Matagal na silang hiwalay. Iniwan kami ni Dad," agad akong nakaramdam ng awa para sa kanya, and at the same time I understand him. Mahirap mabuhay nang isang magulang lang ang nag-aalaga at nag-aaruga sa'yo. I smiled bitterly at him.

"Mabuti ka pa nga, eh. Kahit iniwan kayo ng Dad mo, at least he's still alive and you can still contact him...in case you want or need to. While me? Iniwan ni Mama sa murang edad, at hinding-hindi na siya babalik...kasi wala na talaga siya..." halos pumiyok ang boses ko sa huling mga katagang sinambit ko. Nagsisimula nang mamasa ang aking mga mata and I had to blink a couple times to make them go away.

Mukhang nakita niya ito dahil nanlaki ang mga mata niya sa gulat at natatarantang tumayo saka lumapit sa'kin. Kaagad akong yumuko. 'Shit. Why are you such a crybaby, Water Daine?! This is really embarassing...'

"H-hey! Okay ka lang? S-sorry kung naiyak ka dahil sa sinabi ko," kahit parang nagdadalawang-isip pa ay hinawakan na lang niya ang magkabilang balikat ko at pilit na pinapatahan. Umiling ako at pilit na ngumiti sa kanya. 'Shit times infinity! Ni hindi ko nga lubos na kilala ang lalaking 'to and now I'm crying in front of him?!'

"Hindi, okay lang. S-sorry din kasi nagpadala lang ako sa emosyon ko. Thanks anyway, Jimenez," inalis ko na ang pagkakahawak niya sa mga balikat ko at huminga nang malalim. Yumuko muna ako para punasan ang aking mga luha gamit ang mga kamay ko bago umangat muli ng tingin sa kanya.

"Sure ka bang okay ka lang, Lariña?" parang nakokonsensyang paniniguro niya pa saka bahagyang umatras palayo. 'Just great. Now he's feeling guilty even though I'm really the one who started my own drama because I asked him a stupid question about his parents.'

Parang nawala ang boses ko dahil sa matinding kahihiyan kaya tumango na lang ako sa kanya saka naglakad patungo sa upuan kong nasa bandang likod niya lang. Kaagad akong umupo dito at mabilis na kinuha ang ballpen at extra notebook mula sa backpack ko para sana isulat na lang ang labis na hiyang nararamdaman ko nang marinig kong may tumawag sa apelyido ko.

"Lariña."

Wala namang ibang Larina sa seksyong ito kaya nag-angat ako ng tingin sa lalaking tumawag sa'kin. Ang lalaking nakaupo sa mismong harapan ko, ang katabi ni Ramses, ang also one of my suspicions of my past boyfriend: Zillion.

Think AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon