Water's POV
It's 4:50 in the afternoon. Maaga kaming pinauwi ng Music teacher namin kaya nasa bahay na ako ngayon at nakaupo sa harap ng maliit kong mesa na may salamin dito sa kwarto ko. It's supposed to be a make-up table that Ate Flame gave to me on my 13th birthday. Mahilig kasi siyang magmake-up at mag-ayos sa sarili niya at talagang magaling naman siya pagdating sa mga gano'n. Her taste for fashion is impeccable, too. Kaso hindi naman ako katulad niya kaya wala akong kahit anong gamit pangkolorete na nakapatong sa table. Napupuno lang ito ng mga make-up kit nina Mama at Ate Flame sa tuwing may espesyal na okasyon gaya ng Acquaintance Party kagabi na Masquerade Ball ang tema.
Wala sa sarili akong napasuklay sa wavy kong buhok gamit ang mga daliri ko. I still can't take that new girl's smirk off my head. Para kasing may iba siyang ipinapahiwatig no'n na hindi ko matukoy kung ano. 'Or am I just being paranoid?' Napabuntong-hininga na lang ako.
Napatigil ako sa pagsuklay nang maramdaman ko ang pamilyar na tahi sa kanang bahagi ng ulo ko. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok ko sa parteng 'yon at tumambad sa salamin ang peklat ng tahi ko na mahigit apat na pulgada ang haba. Marahan ko itong hinimas-himas habang inaalala ang nangyari sa akin na siyang dahilan ng pagkakatahi ng ulo ko. Until now I still can't find a clear reason why that unfortunate event happened to me...
--Flashback, nearly 2 months ago--
Naalimpungatan ako nang may marinig akong mahihinang boses na nag-uusap malapit sa'kin. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at tumambad sa paningin ko ang puting ilaw at kisame. Naaamoy ko ang kakaibang bango ng kemikal sa paligid.
I'm in the hospital?
"Gising na siya, Pa!" napatingin ako sa kanan ko at nakita si Ate Flare na nakaupo sa isang silya habang nakahawak sa braso ko. Nakangiti siya sa akin pero pansin ko pa rin ang matinding pag-aalala sa mga mata niya. Napatingin naman ako sa kabilang tabi ko nang may maramdaman akong haplos sa kamay ko doon. Nakaupo rin si Papa na maluha-luhang nakatitig sa mukha ko.
"Flame, tumawag ka ng doktor!" hindi ko agad naramdaman ang presensya ni Ate Flame sa bandang paanan ko. Kaagad naman siyang tumango sa sinabi ni Papa at patakbong lumabas sa pinto.
"Water, anak, okay ka lang ba? Kumusta ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Papa habang paulit-ulit na hinahaplos ang kamay ko. Ginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto ko.
"Pa, where's Ice?" sinubukan kong bumangon pero napahawak lang ang isang kamay ko sa ulo ko nang bigla itong kumirot. Kumunot ang noo ko nang maramdaman ang benda sa ulo ko. Napatingin ako sa kanang braso kong hindi ko maigalaw. Nakabenda rin ito at sementado pa ang loob.
"Don't get up yet. Hindi pa kaya ng katawan mo," marahang inayos ni Ate Flare ang pagkakahiga ko at kinumutan pa ako. Napalingon ako sa kanya, nagtatanong ang mga mata.
"Nasaan si Ice?" hanap ko ulit sa nag-iisang kapatid kong hindi ko nakita. Hindi ako mapalagay hangga't hindi ko siya nakikita. Maybe because he's my twin and we're connected to each other.
"Nasa labas lang siya kasama ang -- " hindi na natuloy ni Papa ang sagot niya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ate Flame na may kasamang doktor at nurse. Agad na tumayo si Papa para bigyan sila ng daan na makalapit sa akin.
"Dok, kumusta na po ang kalagayan ng anak ko?" tanong ni Papa habang kinukuha ng babaeng doktor at nurse ang vital signs ko. Nginitian naman siya ng doktor nang matapos na ito sa pagsusuri sa'kin.
"Don't worry, Mr. Lariña. Her vital signs are already normal. Babalik po ako dito pagkatapos kong mag-rounds. Sa ngayon po ay mas mabuting kumain muna siya para bumalik ang lakas niya," paliwanag niya. Nagpasalamat naman sina Papa sa kanya. Saglit siyang tumingin at ngumiti sa akin bago siya naglakad palabas habang nakasunod naman 'yung babaeng nurse sa kanya. Nang maisara na ang pinto ay bumaling ulit ako kina Papa at sa mga ate ko.