Chapter TWO

17 11 1
                                    

Water's POV

Kasalukuyan kong nililigpit ang mga gamit ko para umuwi na sana nang tawagin na naman ako ni Sir Brenson. 'Kainis! Bakit parang feeling close naman yata masyado 'tong Adviser naming 'to? Porke't magkakilala na kami magmula no'ng first year ako? Hays.'

--Flashback--

"H-huh? At my old school? Crescent National High School?" kunot-noong tanong ko pabalik kay Sir Adviser--este, Brenson nga raw pala.

"Yeah, I even remember that you didn't like my subject very much," parang natatawa pang sagot niya. 'But wait, I didn't like his subject? The only subject I don't like--or hate, is History. W-wait...' Nanlaki ang mga mata ko nang sa wakas ay napagtanto ko kung sino siya.

"T-teacher Nev?!" bulalas ko habang nakaturo pa sa kanya. Gumuhit ang malawak niyang ngiti sa sinabi ko.

"Sa wakas! Naalala mo rin!" natawa na lang ako sa itinugon niya. 'Shit. Why didn't I recognize him sooner? I really noticed that since last year, my memories especially from CNHS are getting foggy. Hmm...'

"I'm sorry if I didn't recognize you earlier, Tea--I mean, Sir. Nag-iba na po kasi ang itsura niyo. Tapos iba na rin po ang tawag sa inyo dito," pagpapaliwanag ko na lang. Ngumiwi si Sir Brenson sa sinabi ko kaya bahagya akong kinabahan. 'M-may nasabi ba akong mali?'

"Ano namang nagbago sa'kin? Pumangit ba ako, Miss Water Lariña?" nanliliit na matang tanong niya sa'kin. Nanlaki ang mga mata at umawang ang bibig ko. Mahigpit akong umiling sa kanya. 'Stupid, stupid Water!'

"O-of course not, Sir! Gumwapo nga kayo lalo, eh," nauutal na pagsalungat ko. Pero nagulat na lang ako nang malakas siyang tumawa. Agad akong napayuko at napakamot sa batok dahil sa hiya. Sigurado akong kasing pula na ng kamatis ang buong mukha ko ngayon. 'Shit! This is so embarrassing! Why can't you think before you talk, Water?! So stupid, as always!'

"Relax, Water! Nagbibiro lang ako. By the way, kamusta na nga pala kayo ng boyfriend mo?" nakangiting tanong niya sa'kin. Kumunot ang noo ko at binigyan siya ng naguguluhang tingin. 'What on earth is he talking about?'

"I-I don't have one, S-sir," nalilitong sagot ko sa kanya. Hindi ko alam pero bumibilis ang tibok ng puso ko ngayon. Kinakabahan ako...

Naglaho ang matamis na ngiti sa mga labi niya at nalilitong tumitig sa'kin. Bahagya pang tumahilid ang ulp niya na animo'y takang-taka sa isinagot ko.

"Ano? E-eh, 'di ba--," naputol ang dapat niyang sabihin nang sumingit ako.

"S-sir, I-I have to go. I-I need to use the C.R.," hindi ko na hinintay ang tugon niya at nagmamadaling tumalikod habang hawak ang ulo ko. 'No...this can't be. It's happening again. Why do they always come in at the wrong places at the wrong time? Shit these headaches.' Agad akong pumasok sa C.R. ng classroom namin at ni-lock ang pinto. Napasabunot na lang ako sa buhok ko sa sakit.

'Shit these blurry memories. Bakit parang habang tumatagal ay lalong sumasakit ang ulo ko sa tuwing may ganito? It's like my head is being smashed into pieces. Shit again, here it comes...'

~**~

"Water Daine Lariña, will you be my girlfriend?"

Nakita ko ang isang lalaking nakaluhod ang isang tuhod habang hawak-hawak ang kanang kamay ko. Nakatingala siya sa'kin pero hindi ko maaninag ang mukha niya. Lagi na lang.

Naramdaman ko na lang ang sarili kong ngumiti habang nakayuko sa kanya. Sobrang sabik at galak ang nararamdaman ko. Parang hinahaplos ang puso ko.

Think AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon