Water Daine's POV
"Okay, for us to get acquainted with each other, let us first call on all of the transferees to come here in front and introduce themselves briefly."
Awtomatikong napaangat ang ulo ko nang marinig ko ang sinabi ng Homeroom Adviser namin. Seriously? Agad-agad? 'Di pa pwedeng 'yung mga dating estudyante pa muna ang magpakilala sa mga sarili nila? Bakit kailangang kami ang mauuna? Shit.
Nakita kong tumayo mula sa silya niya ang lalaking nasa harapan ko at naglakad papunta sa harapan. Kaya kahit nilalamon ng kaba at nanginginig ang mga kamay at tuhod ay tumayo na rin ako at sumunod sa lalaking matangkad. Prenteng nakatayo lang siya habang nakapang-himulsa samantalang ako ay halos mahimatay na sa kaba at hiya.
"Good morning, everyone. I'm Zillion Ashton Lazaro, you can call me Zill. Currently 16 years old and formerly lived in Bulacan, now here in Batangas together with my parents and younger sister. Nice to meet you, classmates," napatulala na lang ako sa tuloy-tuloy at walang kurap niyang pagpapakilala na diretso lang ang tingin sa mga kaklase naming tahimik na nakikinig sa'min. Oh, shit. I'm next. Dalawa lang naman kasi kaming bagong 4th year.
Dahan-dahan akong tumingin sa mga kaklase kong mukhang naiinip nang nag-aabang sa pagpapakilala ko. Dinig na dinig ko ang malakas at mabilis na tibok ng puso ko. Pa'no kung hindi nila ako magustuhan? Pa'no kung ma-wirdohan sila sa'kin? Pa'no kung--agh! Just calm down, Water Daine!
"W-water Daine Lariña. J-just call me Water," napapikit na lang ako sa utal-utal kong pagsasalita. Shit. I hate audiences and crowds, big or small. Gano'n ako kamahiyain. A certified anti-social.
"Um...Miss Lariña? Is that all you can say?" nag-aalangang tanong sa'kin ng makisig at millenial naming Adviser. Nahihiya akong tumango sa kanya saka dali-daling yumuko at tiningnan ang sapatos ko. Umugong ang bulungan ng mga kaklase kong dinig na dinig ko naman. Why can't they just say it straight to my face? It won't make a difference, anyway.
"OMG, ang OA naman niya."
"Oo nga. Ano ba 'yan."
"Simpleng pagpapakilala lang, hindi pa magawa?"
"What a pathetic bitch. I can't believe she's our classmate."
Natigil lang ang bulungan nang biglang hampasin ng Adviser ang lamesa niya. Muntik na akong mapatalon sa gulat, habang ang katabi ko namang transferee ay kasalukuyang pinupukulan ng masamang tingin ang mga nagbubulungan kanina. What's his problem? He's not the one they were whispering about. Weird guy.
"WHAT'S WRONG WITH YOU, SECTION B 4TH YEARS?! IS THAT YOUR WAY OF WELCOMING YOUR NEW CLASSMATE?!" sigaw ng Adviser. Kunot na kunot ang noo nito habang isa-isang tinitingnan ang mga estudyante niyang nagsisipagyukuan na.
Walang sumagot sa kanya at kapwa nilang iniiwas ang mga tingin nila kapag dumapo na sa kanila ang galit na tingin ng Adviser. Lihim akong napangisi. Buti nga sa kanila. Hindi kasi marunong bumulong nang tama.
"The next time you treat any of your classmates like that, I will immediately report you to our Principal. Do you understand?" mariin na tanong niya sa malakas na boses.
"Y-yes, Sir," sagot nilang lahat maliban sa'ming dalawa ng katabi ko. Bumuntong-hininga ang Adviser bago bumaling sa akin. Seryosong-seryoso siya habang nakahalukipkip kaya lalo lang akong kinabahan. Shit. Hindi pa ba tapos? Akala ko okay na, mukhang hindi pa nga siya kuntento sa pagpapakilala ko. Nangangalay na ang mga binti kong nanginginig pa rin sa kakatayo.
"Thank you, Mr. Lazaro. You can now go back to your seat," aniyang nasa akin pa rin ang paningin. Lumunok ako nang maraming beses. Mukhang sasabak ako sa interview nito. Nakita kong tumingin sa'kin ang lalaki saka naglakad pabalik sa upuan pero hindi ko na nabigyang-pansin 'yon dahil sa kaba.