Chapter EIGHT

10 8 0
                                    

Water's POV

"Let's talk..." gulat na gulat akong nakatitig sa kakambal kong kasalukuyang kinakausap ang misteryosong lalaking nangahas na hawakan ang aking mga labi. Pilit kong tinitingnan ang ekspresyon ng mukha niya pero nanatiling normal ang porma ng mga labi niya at natatakpan naman ng maskara ang mga mata niya. 'Ice...are you acting like an overprotective brother right now? To me? To me whom you always ignore...almost every time?'

"...But not here. Let's meet outside. Sa likod ng Flower Garden -- sa parking lot. And don't even try to run from me," malamig ang tono ng pananalita ni Ice kaya masisindak talaga ang sinumang makakarinig nito. Napakamot na lang sa batok ang lalaking nakaputing maskara sa inaakto niya. Maging ako ay naguguluhan din kung bakit niya ito ginagawa ngayon. Hindi ko alam kung matutuwa ba dapat ako o magdududa sa inaasta niya sa harapan ko.

'He didn't care before...not at all. So why care now? Ano bang meron sa misteryosong lalaking ito kaya ganyan na lang ang kinikilos niya ngayon?'

Tumalikod na si Ice habang nakahawak pa rin sa palapulsuhan ko. Ramdam na ramdam ko ang higpit ng hawak niya sa'kin na para bang ayaw niya na akong pakawalan.

"Dito ka lang," mahinang sabi niya pa kahit na hindi niya pa rin ako binibitawan. Napatitig na lang ako sa kamay niyang mahigpit pa ring nakahawak sa palapulsuhan ko. Animo'y nakuryente naman siya bigla at mabilis na napabitaw mula sa pagkakahawak dito. Mukhang hindi niya namalayang kanina niya pa pala hawak ito.

"L-let's go," baling niya do'n sa lalaki at nauna nang humakbang palayo. Napakuyom naman ang mga kamao ko. Wala ba siyang balak sabihin sa akin ang dahilan ng pag-uusap nila ng lalaking 'to ngayon?

"Ice..." tawag ko nang hindi siya nililingon at nakaharap pa rin sa lalaking natatakpan ang halos buong mukha. Narinig kong tumigil siya sa paghakbang pero hindi niya pa rin ako iniimik. Magsasalita na sana ulit ako pero parang may kung anong biglang bumara sa lalamunan ko. 'Hanggang dito ba...hindi mo pa rin ako papansinin? Don't you care what I would feel if you keep on showing your coldness toward me even if someone is watching us?'

"A-ah, sorry for that. I'll come with you, Mr. Ice," pagbabasag ng lalaki sa katahimikan sa pagitan namin ni Ice. Pakiramdam ko naiiyak na ako kaya napayuko ako para pigilan ang mga luha ko. Ramdam kong napatingin sa'kin ang lalaki. "Hanggang sa susunod nating pagkikita...Water," at umalis na siya sa harapan ko para sumunod kay Ice.

Kinawala ko na ang mga kamay ko mula sa pagkakakuyom at napabuntong-hininga na lang. 'I guess my brother has his own business with that guy. Dahil mukha namang walang kinalaman sa'kin ang pagkompronta niya sa lalaking 'yon. Even if that guy knows me -- w-wait...did he just call me by my name? Hindi naman binanggit ni Ice ang pangalan ko kanina! H-how did he...'

Marahas akong napalingon sa direksyon nila at akmang susunod na sana pero parang nawalan ng lakas ang mga paa ko. Kahit anong pilit ko ay hindi ko magawang ihakbang ang mga ito sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Sa huli ay sinundan ko na lang sila ng tingin hanggang sa makalabas sila ng hardin gamit ang back gate. Naiwan akong tulala at muling binabagabag ng mga tanong na tila walang kasagutan.

'I didn't even recognize that guy...but he knows me...at pamilyar ang boses niya. At ngayon naguguluhan na naman ako kung sino nga ba ang lalaking mula sa nakaraan ko...siya ba o ang naka-itim na maskarang lalaking nagbigay sa'kin ng tubig kanina? Sina Zillion at Ramses ba ang dalawang lalaking 'yon? If so, which is which? Ugh. So many questions... Litong-lito na talaga ako at masakit na rin ang ulo ko kaiisip...'

Think AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon