Chapter 11

7 5 0
                                    

Water's POV

"Good morning, Olly!"

"Morning, Tanya!"

One by one, my classmates greet each other as they enter the classroom. Limang minuto na lang kasi bago magsimula ang unang klase namin kaya sunod-sunod nang pumapasok ang mga kaklase kong tumatambay lang sa labas kanina. Samantalang nagsusulat at nagdoo-doodle lang ako ng kung ano-ano sa notebook ako habang palihim na sinusulyapan ang lalaking nakaupo sa harap ko. Napansin ko kasing kanina pa siya panay lingon sa pintuan na para bang may inaabangan.

"Tsk. Bakit ang tagal niya?" dinig ko pang bulong niya sa sarili habang isa-isang tinitingnan ang mga kaklase naming pumapasok sa pintuan. 'Who is he referring to? I wonder.'

"Settle down, class. Please go back to your proper seats," 'di nagtagal ay pumasok na si Sir Brenson at pumwesto sa table niya sa harapan. Homeroom Time kasi ang first period namin ngayong umaga. Every morning our first period is either Homeroom or History class. At pansin kong natutuwa at kinikilig ang ilan sa mga babae kong kaklase sa tuwing pumapasok si Sir sa umaga. I bet they have a crush on our adviser. Sabagay, hindi ko naman sila masisisi. Gwapo naman talaga si Sir Brenson at mukhang binata pa. He's in his early 20's, I think.

Kita kong napasimangot si Zillion sa pagdating ng aming homeroom adviser at dismayadong humarap sa direksyon ni Sir. 'Was he waiting for someone? Pansin kong kanina pa siya hindi mapakali sa silya niya, ah? I guess he's disappointed that his friend didn't show up. Pero sino naman? Ang nakikita ko lang namang lagi niyang kasama ay si Czarielle. Wait... Pumasok na nga ba si Czarielle?'

Lilingon na sana ako sa likuran kung saan siya nakaupo nang maagaw ang atensyon ko sa biglang sinabi ni Sir Brenson sa harapan.

"Class, you have a new classmate. Please come in, Miss Urdel," may kung sino siyang sinenyasan mula sa labas ng pintuan. Agad namang pumasok ang bago naming kaklase na babae. She's wearing a pink pleated mini-skirt paired with a fit hooded white blouse with the words 'Ultimate Lady' printed on it. Umalingawngaw sa buong classroom ang tunog ng takong ng suot niyang itim na leather boots habang naglalakad siya patungo sa gitna.

'What's with that huge smile on her face? Ang plastik niyang tingnan. Wait... Naaasar ba ako? Why am I affected with this new girl's presence? I don't even know her.'

"Introduce yourself briefly," sabi ni Sir Brenson doon sa babae. Tumango naman ang babae sa kanya saka humarap sa amin habang nakangiti pa rin nang labas ang ngipin.

"Good morning, new classmates! My name is Pressi Rahasia Urdel from the province of Bulacan. You can call me Pressi. I hope we can make good memories here together in our last year in high school!" magiliw na pagpapakilala niya. At gaya ng nangyari sa'kin, agad umugong ang bulung-bulungan nga mga tsismoso't tsismosa kong kaklase sa simpleng pagpapakilala niyang 'yon.

"Bulacan na naman? Bakit parang nagmi-migrate na sila dito? Puno na ba lahat ng mga eskwelahan nila do'n?"

"I know, right? Last year si Ram. Last week sina Zillion at Water. At ngayon naman 'yang babaeng 'yan."

"She said her name's Pressi, dude. Mukhang may bago na naman tayong chicks dito sa section natin, ah."

Hindi ko mapigilang mapalingon sa lalaking kaklase ko na nagsabi no'n. Pero napansin niya ata ang paglingon ko sa kanya dahil napatingin din siya sa akin at kinindatan pa ako. Kaagad akong umiwas ng tingin at binaling ang atensyon ko doon sa bago naming kaklase.

'Chicks, huh?' Hindi ko sinasadyang titigan ang mukha niya. I admit she has a pretty face. She has a fair complexion like me. Ang kaibahan nga lang ay ang mga pisngi niya'y mamula-mula, 'di katulad kong halos wala nang dugong tingnan sa sobrang putla. Hindi masyadong matangos ang ilong niya pero hindi rin naman pango. She has defined cheekbones and her eyelashes are long and naturally curved upwards. Nakaahit din ang kilay niya at wala man lang pamana ang hanggang gitna ng likod kong buhok sa tuwid niyang buhok na hanggang bewang.

Think AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon