Water's POV
"S-si Ramses ba 'yon?"
Napalingon ako kay Czarielle nang bigla siyang magsalita. Kumunot ang noo ko nang makitang bahagyang nakaawang ang mga labi niya at para bang gulat na gulat siya. I can also see her widened eyes since she's not wearing an eye mask. I wonder if she forgot or she just doesn't want to wear it.
Sinundan ko ang direksyon kung saan nakatingin ang mga mata niya at huminto 'yon sa isa sa mga lalaking sumasayaw sa stage. Mukhang magaling siyang sumayaw kaya sa gitna siya nakapwesto. And he looks very familiar...
"Oh? Si Ramses nga. I didn't know he was a dancer," manghang sambit ko. Natigilan ako matapos sabihin 'yon. 'Wait...so does this mean that he wasn't the one who gave me that glass of water earlier? In other words...si Zillion...he must be the one...but then again, it was 7:30 when that guy offered me water, and 7:40 when the opening number started...10 minutes -- sapat na 'yon para makapagpalit ng kasuotan.'
"Member pala siya ng Dance Club? Ba't ngayon ko lang nalaman?" gulat talagang tanong ni Czarielle na hindi inaalis ang paningin sa stage. Parang sarili niya yata ang kausap niya. 'I wonder why she seems so shocked, though. Hindi naman sila close ni Ramses para malaman niya agad 'yon. Sa katunayan nga ay si Zillion ang lagi niyang kasama. Unless...'
🎵Uno, met your friend in Rio🎵
🎵Dos, she was all on me - oh🎵
🎵Tres, we can menage a three though🎵
🎵Quatro, ooh (2 chainz!)🎵
"Czarielle! There you are," kapwa kami napalingon ni Czarielle sa lalaking bagong dating. Gaya ni Czarielle ay hindi rin siya nakasuot ng eye mask. I don't really know him, but I can notice a faint resemblance of Czarielle in his features. Umupo siya sa upuang katapat ko.
"Kuya! Bakit ngayon ka lang? Sa'n ka ba galing?" I was surprised at the tone of her voice. Kung makapagsalita kasi siya ay parang hindi nakakatandang kapatid ang kausap niya. Parang magkatropa lang sila. 'While me and my brother?... Kulang na lang lagyan ng pader ng yelo sa pagitan namin sa lamig ng mga pag-uusap namin...'
"Ah, nagkita kasi kami ng kaibigan kong sumama rin sa kapatid niya dito. Nagkamustahan lang saglit," sagot naman ng lalaki saka binaling ang atensyon niya sa'kin. Nginitian niya ako. He looks handsome in that smile but he's too mature for my taste. Sa itsura niya mukhang second or third-year college na siya. Na-conscious naman ako bigla kaya tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang eye mask na hawak ko.
"Ipakilala mo naman ako sa magandang kasama mo, Utol," siniko niya ang katabi niyang si Czarielle habang nakatingin pa rin sa'kin. Inirapan lang siya nito.
Namula ako sa salitang ginamit niya. Maganda. Maganda raw ako. 'If only Ice could also say that word to me...kahit isang beses lang...'
🎵Anyway, every day I'm trying to get to it🎵
🎵Got her saved in my phone under "Big Booty"🎵
🎵Anyway, every day I'm trying to get to it🎵
🎵Got her saved in my phone under "Big Booty"🎵
"Naku, 'wag mong patulan 'yan, Water. 'Di lang halata pero may girlfriend na 'yan," sinimangutan naman siya ng kapatid niya na ginantihan niya lang ng ngisi. "Water, this is my brother --"