Chapter 13

9 2 0
                                    

Water's POV

"Water, hurry up. Nandito si Papa at sinusundo niya na tayo."

Napatigil ako sa pagwawalis sa sahig ng classroom namin nang biglang sumulpot si Ice sa pintuan at sinabi 'yon. It's only 4:30 in the afternoon and I still haven't gone home yet even though my classes are already over. Martes kasi ngayon at kasali ako sa grupo ng sweepers.

"Eh? Why is he here?" Natanong ko na lang. Tuwing hapon kasi ay nagje-jeep lang kami ng kakambal ko pauwi at gano'n din sa umaga patungo dito sa school. May sasakyan naman kami pero maaga kasing pumapasok sa trabaho si Papa at ginagabi naman siya sa pag-uwi kaya hindi niya kami mahatid-sundo ng mga kapatid ko. And we're not really rich so we don't have a driver or any maids whatsoever.

Kaya nagtataka ako kung bakit nasundo kami ni Papa ngayon. Did he get off work early?

"Sige na, Water. You can go home. Kami na'ng bahala dito," nilapitan ako ng isa sa mga kagrupo ko sa sweepers at kinuha niya ang hawak kong walis mula sa akin. Nahihiya naman akong tumingin sa iba ko pang mga kaklase na kagrupo ko rin at tumango naman sila sa'kin bilang pagsang-ayon. Nagpasalamat naman ako sa kanila at agad ko nang kinuha ang backpack ko saka mabilis na lumapit sa kambal kong nakatayo sa pintuan.

"Alright. Let's go," gumilid si Ice para bigyan ako ng daan kaya nauna na akong lumabas sa kanya. Narinig ko namang sumunod agad siya sa'kin sa paglalakad.

"Nasa parking lot siya. With the car, of course," tumango lang ako sa sinabi niya at nagpatuloy sa paglalakad. Ni hindi ko siya nilingon man lang. 'Di gaya ng dati ay hindi ko na siya kinukulit at tinatanong kung kumusta ang naging takbo ng araw niya. Maybe because I know he'll just answer in monosyllables. Nakakasawa ring marinig ang mga salitang "yeah," "no," at "fine" mula sa bibig niya. Kahit minsan ay hindi ko siya narinig na magkwento ng tungkol sa kanya, kung anong pinag-usapan ng section nila sa klase, kung nasarapan ba siya sa mga ulam namin sa hapag-kainan, at iba pang mga maliliit na bagay. I feel like we're miles apart even though we're living in the same house and attending the same school.

'Di nagtagal ay naaninag ko na ang puti naming kotse na naka-park sa isa sa mga espasyo sa parking lot. Binilisan ko ang paglalakad nang makita si Papa na nakasandal sa pinto ng driver's seat at para na rin maunahan ko ang kambal ko sa passenger's seat.

"Pa! Kanina pa po kayo diyan?" Tanong ko sa kanya nang makalapit na ako saka nagmano. Nakasunod naman agad si Ice sa akin at nagmano na rin sa kanya. Mabilis akong pumwesto sa tapat ng pinto ng shotgun seat kaya wala na siyang nagawa kundi buksan ang pinto ng back seat. Kita kong binuksan na ni Papa ang pinto niya kaya binuksan ko na rin ang pinto sa tapat ko at sumakay sa loob.

"Oo, anak. Maaga talaga akong umalis sa trabaho para maunahan ko ang dismissal niyo," saka pa lang sumagot si Papa nang maisara na namin ang mga pinto ng kotse at makapagsuot ng seat belt. Kaagad niya nang pinaandar ang makina at pinatakbo ang kotse paalis sa parking lot.

"Why, though? Ano po bang meron ngayon?" Alam kong may importanteng dahilan kung bakit siya mismo ang sumundo sa amin ng kapatid ko ngayon. He won't leave the construction site without a good reason.

"Pupunta tayo sa clinic ni Doktora Jessica para sa check-up mo, Water. Naaalala mo ba 'yong sinabi niyang may sarili siyang clinic sa ibang mga probinsya? Meron din dito sa Batangas, anak. Matagal-tagal na rin mula noong huli kang nagpacheck-up. Kailangan mo nang magpacheck-up ulit. Paubos na rin 'yong mga gamot na iniinom mo, 'di ba?" Mahabang paliwanag ni Papa.

Napatango lang ako at hindi na nagsalita pa. Wala rin akong narinig na reaksyon mula sa likuran. 'Oh, I forgot. Wala nga pala siyang pakialam sa'kin.' Napabuntong-hininga na lang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Think AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon