Chapter SIX

14 11 0
                                    

A/N: Hello to my few readers! Sorry po dahil ngayon lang ulit ako nakapag-update kahit sinabi kong at least once a week ko gagawin 'yon haha peace! Naging busy po kasi ako sa schoolworks and ngayon lang ulit nagkaroon ng time since suspended ang classes dahil sa COVID19. God bless you all and stay healthy and safe at home! :)

Water's POV

Today is the day.

"Hey, what time was the Acquaintance Party again? Mamayang gabi ba 'yon?" biglang tanong ni Ice sa'kin.

Okay. Tonight pala. The principal himself announced that during our flag ceremony last Friday. Oo, tuwing Biyernes lang kami nagfla-flag ceremony. How cool is that?

Pero, teka. Did my brother just ask me about it? ME? Shit, this is a miracle!

"Yeah. 7:30 daw magsisimula sabi ng principal," sagot ko naman sabay ngiti nang matamis. He only talks to me once in a blue moon, so I better cherish this moment. Tumango lang siya pabalik sa'kin saka bumalik sa pagkain. Si Ate Flame, Ate Flare, Ice, at ako lang ang sabay kumakain ngayong umaga kasi may maaga daw na appointment si Papa kaya nauna na siyang nag-agahan kanina pa.

"Pansin ko lang, ha. Water and Ice, bakit minsan lang kayo nagkakasama o nag-uusap man lang? I mean, I thought twins are supposed to be close, especially when they're identical," biglang tanong ni Ate Flame na siyang ikinatigil sa pagnguya ko ng kanin na may kasamang pritong itlog. Napatingin ako sa kakambal kong kasalukuyang pinanlalakihan ng mata si Ate Flame. At kumunot ang noo ko nang mapansing parang kinakabahan si Ate Flare.

"Flame..." kabadong tawag ni Ate Flare kay Ate Flame na naguguluhang nagpabalik-balik ng tingin sa kanilang dalawa ni Ice. Napahigpit na lang ang kapit ko sa aking kutsara't tinidor nang bigla na lang napatakip sa kanyang bibig si Ate Flame na parang may napagtanto. Pero hindi ko na kinaya nang tiningnan ako nilang tatlo na parang kinakabahan -- no, natatakot silang malaman ko ang anumang bagay na alam nila.

"W-water, w-what I mean is --" pero hindi ko na pinatapos si Ate Flame na magsalita kasi agad na akong tumayo at kinuha ang pinagkainan ko mula sa mesa.

"I'm done eating. Pakilagay na lang ng mga plato niyo sa lababo, ako na ang maghuhugas mamaya. Thanks for the food," dire-diretsong sabi ko saka dali-daling umalis sa hapag-kainan. Inilapag ko muna ang pinagkainan ko sa lababo sa kusina bago mabilis na umakyat papunta sa kwarto kong nasa ikalawang palapag. Our house has only two floors, by the way.

'But shit...I knew it...they're absolutely hiding something from me...especially Ice.'

Napabuntong-hininga na lang ako pagkapasok ko sa kwarto. Sinarado ko ang pinto at umupo sa dulo ng kama ko. Saglit akong nagmuni-muni.

'I think I should just let them be. After all, who am I to judge? I, myself, am keeping a secret from them, too...'

Tuluyan na akong humiga sa kama at napatitig na lang sa kisame. Tama, hindi ko na lang muna sila kukulitin. Alam ko namang sasabihin din nila sa'kin 'yon, eh. They're just waiting for the right time...and so am I.

--7:00 p.m., 30 minutes before Acquaintance Party--

"Water, tara na! We're going to be late!" dinig kong sigaw sa'kin ng kambal ko mula sa labas ng kwarto ko. 'Di nagtagal ay narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

'Tch. Such an impatient guy, as always.'

"Matagal ka pa ba diyan? I'm coming in now," see? Halos hindi pa nga ako umabot ng 30 minutes sa pag-aayos sa finishing touches ko naiinip na agad siya. Napairap na lang ako.

Think AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon