A/N: Hello po! Due to some errors on the flow of the story, I'm changing the time setting/timeline of Think Again. Imbes na 2009 to 2011 gaya ng sinabi ko sa unang A/N, gagawin ko pong year 2014 para tumugma po sa plot. Wala naman din pong masyadong magbabago sa kwento since hindi pa rin po K-12 ang curriculum ng karamihang schools sa taong ito. I also did a minor change in the Synopsis, so please reread it before proceeding to this chapter. Thanks for understanding!! ^_^
Water's POV
🎵Trash the hotel🎵
🎵Let's get drunk on the mini bar🎵
🎵Make the phone call🎵
🎵Feels so good getting what I want🎵
Kasalukuyang sumasayaw ang buong grupo ng T.N.A. Dance Club sa gitnang bulwagan. I guess this dance is meant to close the party gathering tonight. I mentally face palmed myself. The main purpose for this event is for students, old and new, to get acquainted with each other. Kaya nga Acquaintance Party, eh. Pero ni isang estudyante o kahit teacher man lang ay wala akong nakausap nang maayos. I know I shouldn't blame myself though, given the fact that I'm far from friendly. Pero hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng pagkabigo sa sarili ko.
"STILL STUNTIN' HOW YOU LOVE THAT! GOT THE WHOLE WORLD ASKING HOW I DOES THAT!!"
Umalingawngaw sa buong hardin ang pasigaw at sabay-sabay na pagkanta ng mga nanonood habang iwinawagayway pa ang kanilang mga kamay sa ere. Kahit ang ilang teachers ay napapaindak na rin kasabay sa ritmo ng musika sa kanilang mga upuan. Samantalang nanatili lang akong tahimik at pilit kong itinutuon ang atensyon ko sa malikot na pagsasayaw sa harapan ko. Pero nahati ang atensyon ko nang may maaninag akong pamilyar na pigura sa likod ng mga mananayaw na tumayo at umalis mula sa table niyang nasa pinaka-unahan at mismong harap ng stage. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino 'yon.
It was the black-masked guy!
🎵I'm so fancy🎵
🎵Can't you taste this gold?🎵
🎵Remember my name🎵
🎵'Bout to blow🎵
I can't help but remember what happened just a while ago...
--Flashback--
🎵We're so close to reaching🎵
🎵That famous happy end🎵
Hindi ko magawang ialis ang titig ko sa lalaking kaharap at kasayaw ko ngayon. Kahit may maskarang nakatakip sa mukha niya ay hindi pa rin 'yon naging hadlang sa muling pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi kami masyadong gumagalaw sa pwesto namin sa bawat hakbang na aming ginagawa pero ang laki pa rin ng epekto niya sa akin. The loud beating of my heart indicates the feelings I had for him, washing away any tinge of my doubt.
Walang salitang namutawi sa pagitan namin, kapwa dinadama ang bawat liriko ng kantang pinangungunahan ng vocalist sa stage. Pero kahit gano'n ay sapat na ang presensiya niya para makilala ko siya. Ito ang presensyang nararamdaman ko sa tuwing bumabalik ang mga alaala ko. 'This time, I'm sure of it... Maaari ngang may koneksyon pa rin sa nakaraan ko ang lalaking unang nakasayaw ko kanina...pero hindi siya ang lalaking tinitibok ng puso ko. Hindi siya ang lalaking minahal ko...at posibleng mamahalin ulit sa panahong ito..."