Water's POV
"Okay, class dismissed! And don't forget to do your assignment!"
'Just wow, Miss Charise! After you bombarded us with endless oral questions just earlier? You have the guts to give us an assignment?! WOW!'
Kasalukuyan na akong nagliligpit ng mga gamit ko habang tinatanaw ang mga kaklase kong lumalabas na ng classroom. Oo, ako na lang ang naiwan dito at ang medyo terror at adik sa oral quizzes at assignments na si Miss Charise. Inaamin ko, mahinhin kasi akong tao kaya parati na lang akong nahuhuli sa halos lahat ng bagay. Tulad na lang ngayon, naiwan ako dito at umuna na silang lahat sa canteen. Lunch Break na kasi.
Bigla ko na lang naalala ang 'pag-uusap' namin ni Zillion sa pamamagitan ng pagpapasahan ng papel. Hindi ko alam kung bakit pero natutuwa ako na concerned siya sa'kin, at pati na rin si Ramses. Lalo tuloy akong nalilito kung sino sa kanila ang lalaking mula sa nakaraan ko. Wait, speaking of Zillion...
"Oh, shit!"
Hala, patay! Hindi ko nakontrol ang bibig ko! Dahil kalalabas ko pa lang sa classroom at nasa may pintuan pa, kinakabahan akong sumilip sa loob ng classroom at tinignan si Miss Charise. Napahinga ako nang maluwag nang makitang tutok na tutok siya sa laptop niya. Mukhang wala siyang narinig.
'Whew! That was close. If she heard it, I'm sure I'll automatically go to detention. Or worse, get a demerit! Especially that she's a Values teacher. Shit.'
Paano ba naman kasi, nakalimutan kong kausapin si Zillion bago siya umalis! Ayan tuloy, nawala na! Ang bobo mo talaga, Water!
Dinalian ko na lang ang paglalakad patungo sa canteen. Sana nga, nandoon siya.
Pero pagka-apak at pag-apak ko sa loob ng canteen, nabigla na lang ako nang may biglang humila ng kamay ko. Pagtingin ko, si Ramses pala! 'What the--!'
"Water!" napalingon ako sa tumawag sa'kin at nakita ko si Czarielle na gulat na nakatingin sa'min. Nakita ko rin si Zillion at saglit kaming nagkatitigan bago niya dali-daling iniiwas ang tingin niya sa'kin. Muli namang dumapo ang mga mata ko kay Czarielle na nakaupo sa tabi ni Zillion. At nagulat ako nang makitang medyo tumalim ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin.
"Babay!" paalam ni Ramses sa kanila na may nang-aasar na tono. Tumalim din ang tingin ni Zillion sa kanya at 'yon ang huli kong nakita bago niya ako tuluyang hinila papunta sa kabilang dako ng canteen.
'Okay...that was weird...why did they glare at us like that? It's like they trying to kill us with their looks...Zillion, mostly.'
"Umm...what do you need from me , Jimenez? Bakit bigla-bigla ka na lang nanghihila?" medyo inis na tanong ko sa kanya nang maupo na kami malayo kina Czarielle. Hinihimas-himas ko na lang ang kamay kong bahagyang namumula sa higpit ng hawak niya sa'kin kanina.
"Hala, sorry! Medyo napahigpit pala ang pagkakahila ko sa'yo. Akin na nga lang 'yang kamay mo."
Nang hindi ako gumalaw ay siya mismo ang kumuha ng kamay ko at tinignan ang namumulang parte nito. At hindi ko alam kung anong espirito ang sumanib sa akin at hinayaan ko lang siyang hawakan ako.
"Masakit pa ba?" mahinahon niyang tanong sa'kin. Tumango na lang ako kasi medyo kumikirot pa nga talaga. Pero tuluyan na akong inatake ng hiya nang inumpisahan niyang masahiin ito. 'Shit! What on earth is he doing?!'
Naramdaman ko na lang ang pag-iinit ng buong mukha ko. 'But I admit...it feels good -- wait, what are you thinking, Water?!'
Nang bigla siyang tumitig sa'kin ay kaagad akong umiwas ng tingin para hindi niya mahalata ang pamumula ko. 'Why is he even staring, anyway?' Tumingin-tingin na lang ako sa paligid. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong nakatingin na sa'min ang halos lahat ng mga estudyanteng kumakain din malapit sa'min. Awtomatiko kong hinablot ang kamay ko mula kay Ramses.