Chapter THREE

16 11 1
                                    

Water's POV

"Water, anak. Anong gusto mong kainin?"

'What the shits just happened a while ago? That guy, Zillion...he was acting kind weird...and overly serious... Idagdag pa 'yung sinabi ni Ice two days ago...whatever did he mean by that? All these weird things happening to my life lately...it's giving me cold chills and shivers.'

"Water! Tinatanong ka ni Papa!"

'And those blurred memories...these past two days they never failed to visit me...it's consuming a lot of my energy and the headaches are getting worse everyday...the different scenes playing in my head are getting longer and longer with the same cloudy-faced guy in it...giving me a red rose...courting me...reciting corny poems to me...'

"Water Daine Lariña! ARE YOU STILL WITH US?!"

Napaigtad ako ng wala sa oras sa malakas na sigaw ni Ate Flare, ang panganay sa'ming magkakapatid. Kita ko ang nagtatakang tingin ni Papa at ang masamang tingin sa'kin ni Ate Flame, fraternal twin ni Ate Flare. Si Ice naman na katabi ko ay deadma lang sa paligid niya habang nagte-text, ganyan naman talaga siya sa t'wing magkakasama kaming buong pamilya.

"S-sorry, Pa, Ate Flare, Ate Flame. Ano nga pong sinabi niyo, Pa?" napapahiyang tanong ko kay Papa na nagtatanong ang mga mata. 'Shit. What will I say to them? I can't tell them anything, I'm sure they wouldn't understand.'

"Anong problema, anak? Mukhang wala ka sa sarili mo ngayon?" takang tanong sa'kin pabalik ni Papa na may bahid ng pag-aalala sa tono niya. Pilit na ngumiti lang ako sa kanya, walang ibang nakakaalam sa mga nangyayari sa'kin at sa paligid ko bukod sa akin, at wala rin akong balak ipaalam kahit kanino. Ayokong bigyan sila ng problema, I hate being a burden.

"I was just thinking about my projects and assignments, Pa. Hindi ko pa po kasi natatapos lahat, siguro pag-uwi ka na lang mamayang hapon," mahabang palusot ko. Hindi ko na pinansin ang manunuring titig ng mga kapatid ko sa'kin. They know I'm lying, patay ako nito mamaya. They'll surely bombard me with questions sometimes impossible to answer.

"Ganoon ba? Pwede ka namang magpatulong sa mga kapatid mo kung nahihirapan ka. Pero pasensya na kung hindi kita matutulungan, medyo busy kasi ako sa trabaho ko sa construction," medyo malungkot na sabi ni Papa. Umiling ako sa kanya. 'It's not his fault that he's a single parent, it's not his fault that Mama died...'

"It's okay, Pa. Alam ko naman na po kung pa'no gawin," pagsisinungaling ko pa. Sa totoo lang isa lang naman ang assignment namin--at natapos ko na rin 'yon kahapon, 'yon lang kasi ang tanging lusot na kapani-paniwala.

Kahit parang nag-aalangan ay tumango na lang siya saka ibinaling ang atensyon niya sa katabi ko. Sinaway niya itong tumigil na muna sa kate-text niya.

Oh yeah, I forgot to mention, we're currently inside Manokainan--the cheapest, yet decent, restaurant in Batangas. Mabuti pa pumili na ako ng mga order ko--tapos na kasi sila, lutang ako kanina kaya, ayun.

"Oh ayan, lamunin mo na'yang menu. Ikaw na lang hinihintay naming pumili diyan. Pasaway na Tubig," pabatong ibinigay sa'kin ni Ate Flame ang menu na halatang inis na inis sa'kin. Agad ko naman itong nasambot at kaagad na binasa ang mga dishes na nakalagay dito. Nang makapili na 'ko ay mabilis kong sinenyasan ang mga mga bagot kong kasama na tapos na ako saka inilapag ang menu sa lamesa.

"Waiter, dito!" medyo malakas na tawag ni Ate Flare sa pinakamalapit na waiter na katatapos lang mag-serve ng order sa isang customer, sabay taas ng kamay. Nagmamadali naman siyang lumapit sa lamesa namin.

"Nine cups of rice, Three serves of Chicken Adobo, One Fried Chicken, Two Coca cola's, Two Sprites..." tumingin sa'kin si Ate Flare hudyat na sabihin ko na ang order ko. 'Seriously, Water, sana sinabi mo na lang sa kanila kanina. 'Di ganitong may special participation ka pa. Tch.'

Think AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon