Water's POV
"Sir naman, eh!" lalo lang kaming natawa sa malakas na panghihimutok ni Czarielle kay Sir Brenson. Malapit lang kasi sa kanila ang mikroponong nakalagay sa stand kaya rinig na rinig ng lahat ang mga boses nila. Hindi naman magkamayaw sa pagtawa si Sir Brenson na mas nagpanguso sa mga labi ni Czarielle at hindi na niya mapigilang mapapadyak-padyak na lang sa inis na nagpalakas lang sa tawanan ng iba.
"Haha! 'Wag ka nang mag-alburoto diyan, Miss Karmin. Isn't it such an honor to be crowned 'Lady of the Night' during your last schoolyear in the academy?" Kasabay ng pang-aasar ni Sir Brenson ay inilagay na ni Miss Charise ang magandang tiara sa ibabaw ng ulo ni Czarielle. Lumobo naman ang mga pisngi niya dala ng pagkainis niya sa aming homeroom adviser na natatawa pa rin hanggang ngayon.
"Nakoronahan nga ako, Sir pero sa mali namang dahilan! Gusto niyo lang akong asarin, eh!" Asar na reklamo niya dahilan para mapahalakhak si Sir at pati na rin kaming audience. Maging si Ice na laging seryoso ay napapangiti na rin dahil sa kalokohan nina Czarielle at Sir Brenson sa stage. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko siyang nakangiti ngayon.
'Your heartwarming smile that could melt thousands of women...I haven't witnessed that for god knows how long until now...'
"In accordance with the school's tradition, kailangan niyong pumunta sa gitnang bulwagan at mag-slow dance. Miss Czarielle, kumapit ka na sa braso ng iyong Prince of the Night. Grab the chance!" Malanding sabi ng emcee na ngayo'y hawak na ulit ang kanyang mikropono. Halata namang nailang si Czarielle sa huling sinabi niya at nahihiyang tumingin sa kapatid ko. Saglit din siyang tiningnan ni Ice bago tumango sa kanya. Naghiyawan ang ilan sa audience nang ilahad na ni Ice ang kanyang braso sa kanya at kahit naiilang ay kumapit naman dito si Czarielle na bahagyang namumula.
Napuno ng hiyawan at panunukso ang buong garden ng T.N.A. nang nagsimula nang maglakad papunta sa gitna ang Prince at Lady of the Night. Kahit nakasuot sila ng maskara ay mapapansin pa rin ang pagkailang ng Lady na si Czarielle at pagkaseryoso ng Prince na kakambal ko. Alam kong wala namang interes sa mga ganito ang kambal ko at kaya lang siya pumayag na isayaw si Czarielle dahil ayaw naman niyang ipahiya ito at magmukhang KJ.
'He's always been considerate to others...but rarely to me...'
Nang makarating na sila sa gitna ay nagsimula nang tumugtog ang mabagal na kanta mula sa speakers. Ipinatong na ni Ice ang isang kamay niya sa bewang ni Czarielle na ipinatong naman ang kamay sa balikat niya habang magkadaop ang mga palad nila sa kabila. The classical and conservative way of slow dancing. Tinuruan kami ni Mama noong mga bata pa lang kami ni Ice kaya hindi na siya nahirapang isayaw ang Lady niya na mukhang marunong din namang mag-slow dance.
🎵Malabo man ang aking pag-iisip🎵
🎵Sana'y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin🎵
🎵Ako'y alipin mo kahit hindi batid🎵
🎵Aaminin ko minsan ako'y manhid🎵
Parang kidlat na tumama sa akin ang narinig kong mga liriko ng kanta. 'Malabo man ang aking pag-iisip... Aaminin ko minsan ako'y manhid... Just like the blurry memories that keep popping up in my head...and just like how my heart fails to recognize and remember him even if I know he's just around me...'
The audience around me gasped as we continue to watch the pair move swiftly across the dancefloor. Hindi ko rin mapigilang mamangha at humanga sa bawat ikot, galaw, at kilos nilang dalawa. Napakatikas (graceful/elegant) ng bawat kumpas ng magkadaop na mga palad at hakbang ng kanilang mga paa. Kung titingnan ay para na silang mga propesyonal na masaya at kontento na sa ginagawa nila.