Chapter 1 - A New Beginning

76 0 0
                                    

Demi Zaine's POV

“From now on, Vergara na ang gagamitin mong apilyido. Naipaayos ko na rin naman ang birth certificate mo kaya wala ng problema pa.” sabi sakin ni Papa at inabot ang brown envelope sakin.

Nandito kami sa hapag kainan at kasalukuyang kumakain. Ngayon ang araw ng pasukan namin. Hays. Nakakamiss din ang school. At nakakamiss na rin siya. Ilang buwan din kaming hindi nagkita. Hanggang chat or video call lang kasi kami dahil nag-out of town sila ng family nila. Nakakamiss talaga si Jes.

Tumango ako kay Papa. “Eh bakit Dela Cruz ang ginamit naming apilyido mula pagkabata?” tanong ko at ang tinutukoy ko ay sina Lian at Miara.

“For your protection.” sagot niya at nagpatuloy sa pagkain.

Sa tuwing magtatanong ako tungkol sa mga ganung bagay, palaging ang sagot ay for your protection. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Napangiti na lang ako. Hindi na talaga nawala ang sayang nararamdaman ko mula nung makumpleto ang pamilya ko. Parang wala ng katapusan ang saya ko.

“And as far as you know, kilala ang Familia Vergara dito sa lugar natin.” sabat naman ni Gab.

Napatango na lang ako at uminom ng tubig. Tapos na akong kumain.

Hindi ko naman alam na kilala pala dito sa lugar ang Vergara, kasama na yata ako dun. Wala naman kasi akong paki sa mga yaman na yan eh. Importante, nabubuhay tayo.

‘Anyways...’

Tumayo na ako. “Ma, Pa, una na po ako sa kotse. Hintayin ko na lang dun sina Gab.” sabi ko at hinalikan sila sa pisngi.

“Sige ingat ka, Demi.” sabi ni Mama.

“We love you.” sabi naman ni Papa dahilan para mapangiti ako.

Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa kotse na sasakyan namin. Natigilan naman ako nang may makita na naman akong sticky note na nakadikit dun sa bintana ng kotse. Tsk. Halos araw-araw na akong nakakatanggap nito. Minsan sa gate ng bahay namin. Kung saan ako magpunta, palaging may sticky note. Kinakabahan na nga ako eh kung sino man ito. Hindi ko pa nga lang sinasabi kina Mama.

Kinuha ko yun at binasa.

Good morning! Have a nice day, baby!

-C.

‘What the f?!’

Baby pati! Inis na tinapon ko yun sa basurahan at padabog na sumakay ng kotse. Nakakainis. Sobrang nakakairita!

‘Kung sino ka man, humanda ka sakin kapag nagkita tayo!’

Kinginang stalker yan!

Sumakay na ang mga kapatid ko. Nandito ako sa frontseat habang nasa likod naman yung dalawa. Ang driver namin ay si Gab. Ihahatid lang namin si Miara sa school niya then pupunta na kami sa school namin. Oo nga pala, parehong school lang ang papasukan namin. Tsk. Tumingin ako sa relo ko at tinignan ang oras. Malapit na kaming malate.

Tinignan ko si Gab na kasalukuyang nagdadrive ngayon. Tsk! Tsk! Siguradong pagkakaguluhan ito sa school.

“Enjoying the view, baby sis?” biglang sabi niya.

Napairap na lang ako. “No.” bored na sabi ko.

“Oh, baby sis. I know I'm handsome pero huwag mo naman ako pakatitigan. Baka sakin ka pa ma-in love niyan.” sabi niya sakin

Book 2: Fight Or Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon