Chapter 42 - Again

17 1 0
                                    

Demi Zaine's POV

Ilang araw na ang nakalipas ulit. Ilang araw na lang din at matatapos na ang school year. Nandito lang ako sa gilid ng stage, nakatulala. Nalulungkot pa rin ako sa pagkawala ng kakambal ko. Sana nandito siya. Sana nag-aasaran lang kami ngayon.

Napabuntong hininga na lang ako. Kahit ano sigurong gawin kong pagmumuni-muni, hinding-hindi na siya babalik.. Iniwan niya na talaga kami.

“Demi.”

Nakagat ko na lang ang labi ko nang marinig ang boses na yun sa likuran ko. Palagi na lang. Tsk! Hindi ko siya pinansin at aalis na sana pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Irita akong humarap sa kaniya. Hinding-hindi ko siya kakausapin! Hindi na ako magtitiwala sa kaniya.

“Stay away from me, Clyden.” inis kong sabi sa kaniya.

After all ng nangyari, sigurado akong kasabwat lang din siya. Galit na galit ako. Lalo na dun sa babaeng yun! Pinatay niya yung kakambal ko. Sana namatay na lang din siya eh! Pero hindi... Nasa mental siya ngayon! Baliw! Kingina talaga!

Mabilis akong naglakad palayo sa kaniya pero agad naman niya akong hinabol at hinigit. Kingina! Hindi ako titigilan nito eh.

“Ano ba, Clyden?!” inis na sabi ko sa kaniya. “Hindi ba malinaw sayo na ayoko ng makausap ka?! Tumigil ka na!” sabi ko pa at hinawi ang kamay ko sa kaniya.

“Alam ko kung gaano kasakit yung dinadanas mo ngayon---”

“Eh alam mo pala edi layuan mo na lang ako. Kasi nawala na rin yung tiwala ko sayo eh!” pagputol ko sa kaniya.

Nakikiusap siyang tumingin sakin. “Demi, maniwala ka man o hindi. Wala akong kinalaman dun. To be honest---”

“I don't wanna hear your explanations.” sabi ko at tinalikuran na siya.

Pero hinabol na naman niya ako at hinarang ang dadaanan ko. Napahawak na lang ako sa ulo ko. Tangina!

“Hear me out, please...” nakikiusap niyang sabi. “Wala talaga akong alam dun. Dad also didn't know about that... Hindi namin alam na ganun kasama si tita Demina. Sa tagal na nilang magkasosyo sa business, never yun nalaman ni Dad. Please, maniwala ka naman. Huwag kang magalit sakin. You know how much I love you at hinding-hindi ko magagawa na sirain ko yung tiwala mo sakin..” sabi niya sakin.

Sa totoo lang hindi ko alam kung maniniwala ako. Pero isa lang ang nasisiguro ko, hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko siya. Pakiramdam ko kaya niya ako niligawan noon hanggang ngayon kasi dahil dun. Yun ang naiisip ko kaya pilit niya akong inaagaw kay Jes.

Napailing na lang ako sa kaniya. “I still don't trust you. I don't trust you anymore, Clyden. Pakiramdam ko kasi ginagawa mo ito kasi kasabwat ka nila. Sinisira mo lang kami ni Jes eh. Diba? Alam kong hindi ka naman tanga para umagaw ng may boyfriend na.” sabi ko sa kaniya.

Umiling lang din siya. “No, I'm courting you because I love you. Hindi dahil gusto kitang agawin sa boyfriend mo, mahal lang talaga kita. Itong ginagawa ko? Pagpapakatanga nga kasi. Oo tanga ako. Handa akong magpakatanga, hanggang sa sakin na mapunta yung atensyon mo..” sabi niya sakin.

‘Shit! Clyden!’

Masamang tingin lang ang pinukol ko sa kaniya. Hindi na talaga. Sobrang sakit mawalan. Hindi ko naman sinisisi si Clyden. Galit lang talaga ako at nawala na yung tiwala ko. And once na nawala yun, hindi ko alam kung maibabalik pa ba yun ng buo. Baka magtatagal pa.

Book 2: Fight Or Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon