Chapter 51 - She Left

22 2 0
                                    

Jes Revan's POV

Napaupo na lang ako dito sa sofa pagkauwi ko ng bahay. Naisandal ko na lang ulit ang ulo ko sa sandalan at tumingala. Mariin kong pinikit ang mata ko.

‘Try hardest, Jes... Magiging ayos ulit kayo ni Zaine..’

Naramdaman ko na lang ulit na may tumulong luha sa mata ko pero hinayaan ko lang. Siguradong pugto na ang mata ko. Sobrang nasasaktan ako para saming dalawa, at mas masasaktan ako kapag hindi kami naging ayos. Alam kong selfish pero gusto ko lang naman na maging kami ulit. Sobra ko siyang mahal eh.

Nabigo ka na naman..”

Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Dad na naglalakad papunta dito. Naupo siya sa pang-isahang sofa. Napabuntong hininga na lang ako at pinunasan ang luha ko. Medyo nakakahiya kapag nakikita ni Dad na umiiyak ako..

“I will still fight.” sabi ko kay Dad.

Napabuntong hininga na lang din si Dad. “Hindi ko alam kung magiging proud ako sayo kasi pinaglalaban mo yung taong mahal mo, o maaawa kasi bilang ama mo, hindi ko gugustuhin na makita kang ganiyan.. na nasasaktan..” sabi niya sakin.

Napaiwas na lang ako ng tingin pero pilit lang akong ngumiti. “I will still fight, Dad. Whatever happens, I will still fight. Mahal na mahal ko siya. Magiging kami ulit..” sabi ko.

“Wala naman akong magagawa tungkol dun. Ang sakin lang, son... If it's time to give up, give up na. Huwag ng pilitin. Kung ayaw na niya talaga, huwag mo ng pilitin... Magkaiba ang nararamdaman ng babae at lalaki, anak.. Maaaring mahal ka pa rin niya pero siyempre, nandun na yung takot niya kaya umaayaw na siya.”

Dahil dun sa sinabi ni Dad ay naipatong ko na lang ang mukha ko sa palad ko at hindi na napigilan ang umaagos na mga luha mula sa mata ko. Naramdaman ko na lang ang pagtapik niya sa balikat ko. Masyadong masakit. Pinasusuko na ako ng lahat pero ito pa rin ako. Siyempre, lalaban pa rin ako. Mahal ko si Zaine eh. Kahit maging selfish pa ako, maging akin lang siya.

“Dad, siya yung babaeng gusto kong pakasalan. Siya yung babaeng gusto kong maging ina ng magiging anak ko. Ipaglalaban ko pa rin siya, Dad. Mahal na mahal ko siya at kahit oras na para sumuko, hindi pa rin ako susuko. Walang salitang pagsuko kapag si Zaine ang usapan. Dad, hindi ko siya hahayaan na mapunta sa iba.. never.” sabi ko at umiling.

Hindi ako papayag. Mas gugustuhin ko na lang siguro na mamatay kaysa mapunta siya sa iba. Mahal na mahal ko talaga siya.

‘Love, damn.. I miss you so much..’

Sobrang miss ko na talaga siya. Kung maibabalik ko lang talaga yung oras kung saan hindi ko pa nagagawa yung pagkakamali ko nung gabing yun... Kung sana lang hindi ko pinairal yung pagiging gago ko. Napakagago ko talaga.

Deserve kong maghirap. Deserve ko ito. Ayos lang sakin na ipagtabuyan ako ng taong mahal ko, makukuha ko rin siya. Magiging kami ulit. Mamahalin niya ulit ako. At kapag nangyari yun, gagawin ko ang lahat para maging best na talaga at maging right din sa kaniya.

*Kinabukasan*

Tinigil ko na ang sasakyan ko sa tapat ng bahay ni Zaine. Kinuha ko ang isang bouquet ng roses sa upuan at bumaba. Inayos ko muna ang damit ko bago tuluyang nagdoorbell. Pero nakailang doorbell na ako ay walang nagbukas. Napakunot noo na lang ako.

Nagdoorbell pa ulit ako pero wala talagang tao. Agad akong binalot ng kaba ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at kung ano-ano na naman ang nasa isip ko. Mabilis na nangibabaw ang luha ko. Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan siya. Pero nakailang ring na ay walang sumasagot. Napalunok na lang ako.

Book 2: Fight Or Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon