Chapter 55 - Reunion

27 3 0
                                    

Demi Zaine's POV

Dumeretso na ako sa dining area para mag-almusal. Nandun na rin sina Mama. By the way, ngayon pala yung alis namin ng kambal ko para sa reunion. Sa isang resort kasi gaganapin yun at sa Batangas din. Tsk. Kinakabahan talaga ako at hindi ko masabi kung bakit. Parang ayaw kong pumunta pero panigurado namang hindi ako titigilan ng mga kaibigan ko. Sabagay, reunion nga namin eh. May part din naman sakin na gusto silang makita...

"Baby sis, sumabay ka na samin ni Kristine, ha? Para wala ng maraming dalang sasakyan." biglang sabi ni Gab.

Sumubo muna ako ng pagkain bago sumagot. "Ayoko. Dadalhin ko ang sasakyan ko. Tsaka isasabay ko naman sina Nashi, Alvia at Josh. Magmoment-moment na lang kayo ni Kristine." sabi ko at ngumusi.

"I still can't believe na magkakaroon na ako ng anak na may asawa. Tsk!" sabi ni Papa.

Natawa naman ako dahil dun. "Buti nga sa kabila ng lahat, mahal ka pa rin diba?" pang-aasar ko sa kambal ko.

Sinamaan lang niya ako ng tingin at hindi na umimik. Lalo lang akong natawa. Pero siyempre, tuwang-tuwa talaga ako para sa kakambal ko lalo na't si Kristine pa. Hehe.

Matapos naming kumain ay dinala ko na ang mga gamit ko sa kotse ko. Ang alam ko three days kami dun sa resort eh. Nagpaalam na ako sa kakambal ko na uuna na ako. Susunduin ko pa kasi sina Nashi sa kani-kanilang bahay. Sina tol Airish naman ay may kaniya-kaniya ding sasakyan.

"Ano na kayang mga itsura ng mga kaklase natin ngayon? May buntis na kaya sa kanila?" tanong ni Josh.

Natawa naman ako bigla dun. "Grabe sa buntis eh. Besh talaga." sabi ko.

"Duh! Kung si Gab at Kristine nga eh magpapakasal na eh!" sabi niya.

"Oo nga pala, bakit sakin kayo sumabay eh may boyfriend naman kayo?" tanong ko.

Oo, may mga boyfriend nga. Si Josh, oo meron nga. Hahah! Si Alvia, siyempre si kuya David. Tapos si Nashi naman, yung ex niya nung high school. Hindi ko nga akalain na magkakatuluyan silang dalawa eh. Napangiti na lang ako.

"Siyempre, para makasama ka namin." sabi ni Alvia.

"Gustong-gusto ka nga naming sapakin eh." sabi pa ni Nashi.

"Bakit naman?"

"Tatanga-tanga ka kasi minsan." sabi niya.

Napanguso naman ako dun at hindi nagsalita pa. Hays. Habang nasa byahe ay kwentuhan lang kami ng kwentuhan. Hindi ako makarelate masyado kasi ang tagal ko nga ring nawala dito at hindi sila kasama. Iniinggit pa nila ako sa mga nangyayari.

"Tsk! Pakiramdam ko ay sasabog ako kapag nakita ko yung mukha nung Xandra na yun!" biglang sabi ni Josh.

Natigilan naman ako dahil dun. Napalunok na lang ako nang maalala ang nangyari eight years ago. Napabuntong hininga na lang ako. Parang tinutusok na naman ang puso ko dahil sa naaalala ko.

"Pero wala na naman tayong balita sa kaniya mula nun eh." sabi ni Alvia.

"Kung nasaan man siya, huwag na sana siyang magpakita sa reunion. Baka mapatay ko siya dahil sa ginawa niya sa best friend natin!" sabi pa ni Josh.

Natawa naman ako dun. "Tsk! Hayaan niyo na. Past is past." sabi ko.

"Past your face, besh." sabi naman ni Nashi.

Book 2: Fight Or Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon