Chapter 29 - Jealousy

20 0 0
                                    

Demi Zaine's POV

Agad akong napabalikwas ng bangon nang makita ang oras sa cellphone ko. Syet! Tanghali na ako!

Putek! Mag-e-8 a.m. na!’

Nakakainis! Bakit hindi man lang ako ginising ng kakambal ko o kaya naman ay si Xandra?! Waaaah! Christmas Party kaya namin ngayon. Hays. Sabagay, Christmas Party nga pala, okay lang naman kahit ma-late ng konti.

Tinignan ko ulit ang cellphone ko at nakita ko dun na may mga text kaya naman binasa ko yung mga yun.

From Gab:

Good morning, baby sis. Hindi na kita ginising kasi tulo-tulo pa ang laway mo. Don't worry, Christmas Party lang naman ito. Kahit huwag ka ng umattend. Magpuyat ka na lang ng pagpuyat tutal hobby mo yan! HAHAHAHAH sleep well. I love you, baby sis!

Napasimangot naman ako dahil dun. Ang sama ng ugali ng kakambal ko. Kasalanan ko bang inaakit ako palagi na magpuyat ng mga librong binabasa ko. Sunod naman na binasa ko ay text ni Love. Naku!

From Love:

Good morning, Love! Happy 6th Monthsary. I'm sorry, Love, hindi kita masusundo ngayon. May emergency lang dito sa bahay. I love you and I miss you.

From Love:

Love? Nasaan ka na? Nandito na ako sa school.

From Love:

Hey, bakit wala kang reply?

From Love:

Uy, sumagot ka sa tawag ko, Love!

From Love:

Ah, now I know. Sinabi sakin ni Gab. Tsk! Bakit ka kasi nagpupuyat palagi? Sunduin kita diyan.

Napatingin naman ako sa call log ko at nakita ko nga na madami siyang tawag dun. Napatayo na lang ako at dinial ang number ni Love. Ilang ring pa lang ay sumagot na ito.

[Love! Morning! Paalis na ako ng school. Sunduin na kita diyan.]

“No, no! It's okay. Hintayin mo na lang ako diyan sa school. Huwag mo na akong sunduin.” agad na sabi ko.

[No, baka mapa'no ka pa sa daan.]

“Hindi yun, Love. Sige na, liligo na ako. Happy 6th Monthsary!”

[Hmm. Okay. Abangan na lang kita dito sa labas ng school. I love you!]

“I love you, too!”

Pagkababa ko ng cellphone ay agad na akong dumeretso sa banyo para maligo. Binilisan ko pa ang kilos ko dahil ayoko naman na ma-super late. Pagkatapos kong maligo ay mabilis din akong nagbihis at inayos ang sarili ko. Hindi ko na napili ng maayos ang susuutin ko dahil sa pagmamadali. Lagot talaga sakin 'yang kambal ko!

Pagkatapos ng lahat ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Agad kong nakita si Mommy sa may sofa habang may kausap. Nakatalikod ito sakin kaya hindi ko kilala. Pero parang pamilyar.

“Good morning, Mom.” bati ko at napatingin naman sakin si Mommy at yung kausap niya.

“Oh, good morning, baby. Buti naman at nagising ka. Gab told me na huwag na daw kitang gisingin kaya hinayaan na lang kita.” sabi niya.

Pero hindi yun ang napagtuunan ko ng pansin bagkus ay dun sa kausap ni Mommy. Awtomatikong napakunot ang noo ko at medyo gulat din.

“Clyden?” sabi ko.

Book 2: Fight Or Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon