Chapter 60 - Beautiful In White

44 3 0
                                    

--suggesting my readers to play Beautiful In White by Westlife.. waaah! Finally!! This is it! Sana magustuhan niyooooo!

Demi Zaine's POV

“Oh my gosh, besh! Super duper ganda mo!” sabi ni Nashi sakin.

Inaayusan ako ng make up artist dito sa loob ng isang kwarto at habang nangyayari yun ay may photographer naman na kumukuha ng litrato namin. Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko. Pakiramdam ko, ako na yung pinakamaswerteng babae sa mundo. Kahit sino naman sigurong babae ay iisipin na swerte sila dahil natagpuan nila ang taong para sa kanila.

“I'm happy for you, besh. Sa lahat ng pinagdaanan niyong dalawa, nalagpasan niyo yun. Tignan mo at ikakasal na kayong dalawa.” sabi naman ni Alvia.

Tumingin naman ako sa kanila. Malalim akong napahinga habang nakatingin sa kanila. Ngayon pa lang naiiyak na ako, pinipigilan ko lang dahil baka masira pa ang make up ko.

“Hindi ko akalain ito. Dati, pinapangarap ko lang. Tapos ngayon, totoo na. Ang sarap sa pakiramdam..” sabi ko.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin nang matapos na ang pag-aayos sakin. Nagpunta naman sa magkabilang gilid ko sina Nashi at Alvia na tumingin din sa salamin habang nakangiti. Sila lang ang kasama ko ngayon dito sa kwarto bukod sa mga stuff. Ang ibang mga kaibigan ko siguro ay nasa iba.

“Ako yung naiiyak sa inyo, besh. Tears of fucking joy this!” sabi ni Alvia at kunwaring pinunasan pa ang luha.

Napatawa naman ako dahil dun. “Kinakabahan ako..” sabi ko.

Tinapik naman ni Nashi ang balikat ko. “Okay lang yan. Hindi ka tatakbuhan ni Jes. Mahal na mahal ka nun.” sabi niya.

Napailing na lang ako. “I mean, ang saya ko. Kinakabahan ako dahil ang saya ko. I can't explain. Basta. Ngayon pa nga lang naiiyak na ako eh.” sabi ko at natawa.

“Sa dami niyo ba namang napagdaanan.” sabi naman ni Alvia.

Ang dami nga naming napagdaanan. Akala ko nga nung una, hindi kami magkakatuluyan ni Jes eh. Pero ito kami, malapit na kami sa dulo. Siguro kung sinukuan niya ako, hindi talaga kami para sa isa't isa.

Grade 9 pa lang nung nag-umpisa akong magkagusto sa kaniya. Nung una na inis na inis pa ako dahil sa pagbabanggaan namin. Yung mga pantitrip niya sakin, pangungulit, pang-aasar at kung ano-ano. Hindi ko akalain na mauuwi sa pagkagusto ko sa kaniya. Tapos minahal ko siya. Dun ko pa mas naranasan na lalong masaktan dahil sa pagmamahal. Alam ko namang bata pa kami nun pero hindi naman nasusukat sa edad ang pagmamahal. Kung ako nga sa mura kong edad ay naging boyfriend ko si Dylan noon eh.

‘Hindi ako bata pa, nagmahal lang talaga..’

Napangiti na lang ako habang inaalala ang nakaraan namin ni Jes. Mula sa pagiging magchildhood friend namin hanggang sa high school life namin.

‘Kinababaliwan ko lang noon, magiging asawa ko na ngayon..’

Ang sarap talaga sa pakiramdam. Para kang nakawala sa lahat ng takot mo. Akala ko habangbuhay na yung takot ko. Pero inalis niya yun. Kung pinairal ko pa rin siguro ang takot ko, malamang ay sobra na akong nagsisisi ngayon. Salamat kay Love kasi hindi niya ako pinakawalan kahit na nag-give up na ako sa kaniya.

‘Salamat din kay God kasi ginabagayan niya kaming dalawa..’

“Oy, besh! Wala ka pa sa altar! Huwag ka munang umiyak!” biglang sabi sakin ni Alvia.

Book 2: Fight Or Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon