Chapter 47 - Anniversary

25 2 0
                                    

Jes Revan's POV

Kingina! Tangina! Putangina! Tangina talaga! Putek! Hayop! Putangina!”

Tangina! Puro mura na lang yata ang ambag ko sa kwentong ito. Tangina kasi! Hindi naman porket cool off kami ay kay Clyden na siya sasabay. Hindi naman porket, hindi ko siya sinusundo ay dun sa siya sasabay sa mokong na yun.

‘Tangina! May gusto na ba siya kay Clyden?’

Iniisip ko pa lang, nasasaktan na ako. Parang tinutusok na agad yung puso ko. Dapat hindi kami ganito ngayon eh. Dapat naman masaya kami eh. Tangina! Kailangan magkaayos na rin kami. Ayoko ng ganito.

‘Hays!’

“Jes!”

Napalingon na lang ako sa tumawag sakin at si Xandra yun. Lumapit siya sakin habang nag-aalala ang emosyon niya. Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya.

“Jes, you're being like that, again... Ganun ba talaga ang impact sayo ni Demi para magkaganyan ka?” sabi niya sakin.

Napabuga na lang ako ng hangin. “She's my love...” sabi ko na lang.

Umupo naman siya sa tabi ko pero hindi siya tumingin sakin. Nakatingin lang siya sa mga estudyanteng nakapaligid.

“Mahal ka ba?” tanong niya sakin.

Naguguluhan naman akong tumingin sa kaniya. “What? Of course, she loves me.” sabi ko.

Tumingin naman siya sakin ng seryoso. “Eh bakit hindi kayo magkasama? Bakit ako ang kasama at nasa tabi mo ngayon? Bakit si Clyden at Demi ang magkasama ngayon? Akala ko ba galit si Demi kay Clyden, bakit hinahayaan niya lang sa tabi niya?” mga tanong niya sakin.

Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya at napasabunot sa sarili kong buhok. Ugh! Gusto kong magsisigaw ulit pero pinipigilan ko lang. Marahas akong napailing at tumingin kay Xandra. Umiling lang ako sa kaniya.

“Yung nangyari samin, ako ang may kasalanan. Ako rin ang aayos nito. Magkasama lang sila pero ako ang mahal niya. Hindi ko rin naman hahayaan na maagaw sakin ni Clyden si Zaine.” seryoso kong sabi sa kaniya.

Pilit na lang siyang ngumiti sakin at tumango. Oo, magkaibigan nga kami pero may gusto pa rin siya sakin. Pero matagal ko ng sinabi sa kaniya na hanggang kaibigan lang kami kasi si Zaine ang mahal ko.

Hinawakan niya ang balikat ko at tinapik-tapik yun. “Okay. Basta kung kailangan mo ako, nandito lang naman ako palagi. Not just as friend but as someone likes you..” sabi niya sakin.

Napabuntong hininga na lang ako. “Thank you, Xandra..” sabi ko sa kaniya.

Kailangan na naming magkaayos ni Love. Hindi ko kakayanin kapag lumala pa ang sitwasyon. Ako rin naman ang nakipag-cool off, ako rin siyempre ang aayos. Ayoko talaga ng ganito. Isa pa... bukas na yung anniversary namin. Kailangan kong makapagplano ng maganda at kailangan ko ng tulong ng mga kaibigan namin.

Kaya naman kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni kuya. Ilang ring pa lang ay sumagot na ito.

“I need your help, kuya..” sabi ko.

Nagpaalam na ako kay Xandra na may pupuntahan ako. Pupuntahan ko sina kuya kung nasaan sila.

*Kinabukasan*

Maaga akong nagising. Ngiti agad ang kumurba sa labi ko at bumangon na. Dumeretso na ako sa banyo at naligo. Matapos yun ay inayos ko ang sarili ko. Tinext ko rin si kuya na dapat ihanda na yung lahat kahit na mamayang pahapon ko pa naman siya susurpresahin.

Book 2: Fight Or Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon