Chapter 22 - Almost Perfect Date

23 0 0
                                    

Jes Revan's POV

Nandito na kami ni Love sa destinasyon namin. Tinigil ko na ang sasakyan at nilingon ang mahimbing na natutulog na siya. Hindi ko maiwasang mapangiti. Mas malaya ko siyang natititigan ngayon dahil tulog siya at hindi niya alam. Lumapit ako sa kaniya at ilang pulgada na lang ang layo ko sa kaniya. Ang maganda niyang mukha, ang kulot na buhok na medyo kulay brown... ang mata niyang nakapikit, ang ilong niyang hindi katangusan.. at ang labi niyang kaysarap halikan.

‘Ugh! Gustong-gusto ko siyang halikan kaso baka magulat siya.’

Napabuntong hininga na lang ako at hinawakan ang mukha niya. “Love? Gising na, nandito na tayo.” sabi ko at hinaplos-haplos ang pisngi niya.

“Hmm..”

Maya-maya ay gumalaw-galaw na siya at unti-unti na rin niyang minulat ang mata niya. Siyempre ang nakangiting ako ang una niyang nakita pagmulat ng mata niya. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay hinalikan ko ang noo niya.

“I love you.” sabi ko.

“I love you, too.” nakangiting sabi niya. “Nasaan na tayo?” tanong niya.

“Wait.” sabi ko at bumaba ng sasakyan.

Dumeretso ako sa pinto ng pinag-uupuan niya at pinagbuksan siya. Masuyo kong hinawakan ang kamay niya at lumabas na siya ng sasakyan. Natulala na lang siya bigla dahil sa nakikita niya ngayon. Siguradong mas magugustuhan pa niya ang iba dito.

“Wow... Hindi ko akalain na may nag-eexist palang ganitong lugar sa mundo..” sabi niya.

Ngumiti naman ako at pinagsikop ang kamay naming dalawa. “To be honest, family namin ang may ari nito. Naisip kong dalhin ka dito kasi alam kong magugustuhan mo dito.” sabi ko.

“Thank you, Love. Nagustuhan ko talaga. Tara na, maggala na tayo!” sabi niya at siya na mismo ang naghila sakin.

Napatawa naman ako at nagpahila na lang sa kaniya. Tinignan ko ang oras sa relo ko at magtatanghali na.

Nilibot namin ang paningin namin habang naglalakad. Sa totoo lang kami lang dalawa ang nandito kasama yung ilang stuffs na nagbabantay sa lugar na ito. Kanina habang nasa byahe ay nakiusap ako kay Dad na kung pwede ipasara muna para samin, buti na lang ay pumayag siya.

“Ang ganda dito, Love. May mga kainan na. May beach pa... May hotel na matutuluyan tapos.. ah basta! Ang lawak dito. Parang halos nandito na yata lahat eh. Parang nasa city lang din tayo.” manghang mangha na sabi niya.

“Buti na lang nagustuhan mo, Love.” sabi ko naman.

“Kahit naman saan, gusto ko eh. Basta kasama ka. Kahit simple lang okay na. Medyo engrande ito eh, hindi ako sanay. Hahaha!” sabi niya pa at parehas lang kaming natawa.

‘I really love her simplicity..’

“So kahit sa kwarto, okay lang?” tanong ko.

“Huh?”

“You said, kahit saan basta kasama mo ako. So pwede rin kahit sa kwarto?”

Agad namang nanlaki ang mata niya at napaawang ang labi. Shit! Hahaha! Iba na naman sigurado ang iniisip nito. Nabasa ko kasi isip niya eh. Napailing na lang ako.

“Ang dumi ng utak mo, tara linisin natin.” sabi ko at hinila na siya.

“W-Wait, s-saan tayo?” nauutal na tanong niya.

Book 2: Fight Or Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon