Chapter 21 - Monthsary

19 0 0
                                    

Jes Revan's POV

Agad akong bumalikwas ng bangon nang mag-alarm ang alarm clock ko. Sa sobrang balikwas ko ay muntik pa akong mahulog. Hahaha! Siyempre, ngiti agad ang kumurba sa labi ko nang makatingin ako sa kalendaryo.

‘October 18.’

Oo, 4th monthsary namin ngayon ni Love at sisiguruhin kung magiging maganda ang araw na ito para sa aming dalawa. Ilang buwan din kasi kaming hindi nakapag-celebrate ng monthsary kaya naman excited ako ngayong araw. Hahaha!

Mabilis kong kinuha ang tuwalya ko at dumeretso sa banyo upang maligo. Hindi ko tuloy maiwasang mapakanta habang naliligo. Sobrang saya ko kasi talaga ngayong araw. Hahaha! Tignan niyo kanina pa akong natawa, diba?

You and I could be like sonny and cher
Honey and bear oh uh uh
And you and I could be like Aladdin and Jazmine
Let's make it happen
Lalalalalalalala Lalalalalalalala. kanta ko.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis at inayos ang sarili ko. Kailangan maging gwapo ako ngayon. Hahaha! Matapos kong mag-ayos ay tinignan ko pa ulit ang sarili ko sa salamin tsaka ngumiti at kumindat.

“Wait for me, Love.” sabi ko at ngumisi.

Lumabas na ako ng kwarto at dumeretso sa dinning area kung saan naabutan ko sina Mom na nakain na.

“Good morning, family!” bati ko sa kanila at naupo.

Nakita ko naman agad ang pagtataka sa mukha nila kaya napatawa naman ako.

“Mukhang maganda ang gising ng baby boy ko ah.” sabi ni Mommy.

“Mom, I'm not a baby anymore. And yes, maganda talaga ang gising ko ngayon.” sagot ko.

“Hmm. I wonder kung why tuloy..” sabi naman ni ate Joann.

“Duh! Hindi ka na nasanay, ate. Of course, it's because of our Zaine.” sabi naman ni ate Jessry.

Napatawa lang ulit ako at pailing-iling. “4th monthsary kasi namin ngayon, at idedate ko siya.” sabi ko.

“Wews.” sabi ng dalawa kong ate.

“May date pala kayo. Saan ang punta niyo?” biglang tanong ni Dad.

Napaisip naman ako. Unang-una, hindi nga pala alam ni Zaine na susunduin ko siya. Weekend naman ngayon kaya malamang tulog pa yun. Haha! Well, mamaya ko na iisipin kung saan kami magdedate. Basta sisiguraduhin kong hindi masisira ang araw na ito.

“Pag-iisipan ko pa po, Dad.” sagot ko.

“Hmm.” tatango-tangong sabi ni Dad. “Feel free to use the car on the garage. Ako na ang bahala sa mga pulis.”

Nanlaki naman ang mata ko dahil dun. Hindi ko maitago ang sayang nararamdaman ko.

“Really, Dad? Thank you po!” sabi ko.

Nagpapasalamat talaga ako dahil may family akong support sakin. Ang swerte-swerte ko.

Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila na aalis na ako. Dumeretso ako sa garahe at sumakay sa kotse. Nice. Hahaha! Agad kong pinaandar yun at umalis. Ang saya. Pakiramdam ko ay malaya akong gawin lahat ng gusto ko.

Nagplay ako sa audio ng sasakyan at saktong paborito kong kanta ang natugtog kaya naman sinasabayan ko yun habang nagdadrive ako.

Hi, girl you just caught my eye
thought I should give it try
and get your name & your number
go grab some lunch & eat some cucumbers..

Book 2: Fight Or Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon