Chapter 44 - About The Necklace

23 2 0
                                    

Jes Revan's POV

Nakaupo kami ni Love dito sa isang pwesto dito sa loob ng bar. Pagkatapos ng pagkanta ko sa kaniya, sigurado akong kilig na kilig na naman siya. Hahaha! Plinano ko talaga ito. Ang tagal na namin pero never ko palang nabanggit sa kaniya ang banda namin nina kuya. Halos isang taon din naman kaming nawala sa banda eh. Sa dami ba naman ng nangyari.

Napapangiti na lang ako habang nakatitig kay Love. Ang saya ko talaga kapag napapakilig ko siya palagi. Lalo ko siyang minamahal. Napatingin naman ako sa kwintas na niregalo niya sakin. Napangiti na lang ako. Sa lahat ng regalong natanggap ko, ito ang pinakanagustuhan ko.

“Love, kailan pa itong banda niyo?” tanong niya.

“Three years na. Pero nawala kami ng one year.” sagot ko sa kaniya.

“Full of surprises ka talaga..” sabi niya at napailing.

Kung tinatanong niyo kung nasaan sina kuya David, ewan ko din. Hahaha! Basta kasama ko ngayon si Love, ayos na.

Lumapit ako kay Love at niyakap siya mula sa likuran. Ewan ko ba pero ito ang paborito kong posisyon ng magkayakap kami. Pinagsikop ko ang mga kamay kong nakalapat sa tiyan niya at pinatong ang baba ko sa balikat niya.

“Tss! Ang PDA mo talaga!” sabi niya sakin.

Natawa naman ako dahil dun. “Mahal kasi kita eh. At siguradong masu-surprise ka din sa sasabihin ko ngayon.” sabi ko sa kaniya.

Kumalas naman siya ng pagkakayakap at humarap sakin. Nagtataka siyang tumingin sakin pero ngumiti lang ako.

“Ano naman yun?” tanong niya.

Kinuha ko ang kwintas na nasa leeg ko at pinakita sa kaniya. Ngumiti ako at tumingin sa kaniya.

“Itong kwintas na ito?” sabi ko sa kaniya. “I was the one who gave that to you..” sabi ko sa kaniya.

Oo, ako yung nagbigay sa kaniya nun. Nanlaki naman ang mata niyang tumingin sakin. Napanganga na lang siya kaya naman hindi ko naiwasang tumawa.

“H-How?” hindi makapaniwalang tanong niya.

Ngumiti naman ako. “Nung bata pa tayo. I guess hindi mo na naman maalala pero okay lang. Magkasama naman tayo ngayon eh.” sabi ko sa kaniya.

Bigla ko namang nakita ang lungkot sa mata niya. “I'm sorry, Love. Ewan ko ba kung bakit hindi ko na matandaan. Masyado kasi akong makakalimutin..” sabi niya.

Ngumiti lang ako at hinalikan ang noo niya. “Okay lang yun. Mahal kita kaya naiintindihan ko yun. Huwag ka ng malungkot about dun..” sabi ko sa kaniya.

Pilit naman siyang ngumiti sakin. “Pero... bakit mo naman ako binigyan nito?” tanong niya.

Naalala ko kung bakit nga. Ewan ko ba pero kahit bata pa lang kami, alam ko na sa sarili ko.

“Mom gave that necklace to me. Sabi niya sakin, ibibigay ko daw ang kwintas na yan sa taong mamahalin ko lang habangbuhay. Sa taong papakasalan ko..” sabi ko habang deretsong nakatingin sa kaniya.

‘And I promise to marry you, soon. In the right time.’

Napaiwas naman siya ng tingin sakin. “W-We were both y-young that time. B-Bakit sakin mo binigay?” medyo nauutal niyang tanong.

Natawa naman ako dahil dun at hinawakan ang mukha niya para iharap sakin. Medyo madilim dito sa loob ng bar pero alam kong namumula siya. Napaiwas lang ulit siya ng tingin sakin nung iharap ko siya.

Book 2: Fight Or Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon