Chapter 57 - Afraid

26 3 0
                                    

Demi Zaine's POV

Tanghali na nang magising ako. Pagkamulat pa lang ng mata ko ay siya agad ang hinanap ko. Wala akong nakitang siya. Tss. Marahas na lang akong napailing. Bakit ko ba siya hinahanap?

Naupo na lang ako sa kama at naalala ang nangyari kagabi. Nanlambot na naman ako. Sobrang miss ko na rin naman siya. Ayoko lang talaga. Akala ko iba na siya gaya ng sabi ni kuya David. Hindi pa rin. Hindi rin ako makapaniwala na mahal pa niya ako. May saya akong nararamdaman sa puso ko pero pinipigilan ko ito. Ikakasal na siya gaya ng sabi niya at gaya rin ng sabi ko, hindi na maibabalik pa ang dating kami.

Tumayo na ako at dederetso na sana sa banyo nang may mapansin ako sa isang maliit na mesa. Lumapit ako dun at binuksan yung may takip. Natakam na lang ako bigla nang makitang pagkain yun. May nakita pa akong sticky note at binasa yun.

-kain ka na, Love. I love you.

-Jes

Napabuntong hininga na lang ako. Love pa rin ang tawag niya sakin kahit na wala na namang kami.

Napailing na lang ako at dumeretso na sa banyo para maligo. Matapos nun ay nagbihis ako ng maikling short at manipis na sando. Maglalangoy ako mamaya. Natuto na akong maglangoy. Matapos nun ay umupo na ako sa upuan at inumpisahan na kainin yung nakahain. At matapos din yun ay nagdoble din ako ng damit. Mamaya ko na lang huhubarin kapag maglalangoy na ako.

Pumunta ako sa balkonahe. Nakita ko ang mga kaklase ko dun sa gilid. Ang iba naman ay mga nasa dagat.

Lumabas na ako ng kwarto ko at naglakad palabas ng hotel na yun. Napabuntong hininga na lang ako at mabilis na naglakad papunta sa mga kaibigan ko nang makita sila.

“Oh, besh! Good morning!” bati sakin ni Alvia.

Napanguso na lang ako at tumingin kay Nashi. “Akala ko ba ikaw nag kasama ko sa kwarto?” tanong ko.

“Ha? Bakit? Sino bang nakasama mo?” balik na tanong niya.

“Si Jes..” sagot ko.

Gulat naman silang napatingin sakin.

“My gosh! Seriously, Dems?!” hindi makapaniwalang tanong ni Aleina.

“What the hell?!” si Airish naman.

“Ano? May nangyari ba? Something?” tanong naman ni Nashi.

“Shit! Naisuko mo ba ang---”

“No!” pagputol ko agad kay Josh. “H-He talked to me. We talked..” mahina kong sabi.

“Care to share?” sabi ni Sandy.

Napaupo na lang ako. “He said, he missed me. Mahal niya pa rin ako. A-At ipaglalaban niya pa rin ako...” sabi ko at napalunok.

Nakagat ko na lang ang labi ko sa tuwing naaalala ang gabing yun. Narinig ko ang pagtili nina Aleina, Josh at Alvia. Kunot noo ko naman silang tinignan.

“What the fuck, tol! Eh anong sabi mo? Ayos na kayo? Nagcomeback na?” natutuwang tanong ni Airish sakin.

Book 2: Fight Or Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon