Chapter 23 - Alive?

19 1 0
                                    

Demi Zaine's POV

Dumaan kami ni Love sa mall dahil hindi pa naman sobrang gabi. Actually, 7 pa lang ng gabi. Medyo mabilis ang byahe kanina at puro kwentuhan lang din kami. Kaya ito, nasa mall kami. Siyempre dito na rin kami kumain ng dinner. Ang saya talaga ng araw na ito. Buong buo na ang araw ko dahil sa kaniya.

Isa ito sa 'best day of my life' ko kasama siya. Isusulat ko rin ito sa journal ko. Hindi naman ako tumigil sa pagsusulat eh. Kaso paminsan-minsan na nga lang ako nagsusulat. Hehe.

“Next time manonood naman tayo ng movie.” sabi niya.

Nakaakbay siya sakin ngayon habang naglalakad sa loob ng mall.

“Okay!” sabi ko.

Hindi na talaga maalis ang ngiti ko ngayon.

“Gusto mo ng fries?” tanong niya.

“Hmm. Busog na ako eh. Pero parang gusto ko rin.”

Tumawa lang siya dahil sa sagot ko. “Yun pa matanggihan mo, favorite mo yun eh.” sabi niya at dumeretso na kami sa fries.

Napanguso na lang ako at naglakad na nga kami papunta dun. Nakahawak lang ako sa bewang niya at siya naman ay nakaakbay sakin. Kapag nagkakasalubong ang tingin namin ay nagngingitian lang kami sa isa't isa. At para siguro kaming baliw dito.

Matapos naming makabili ng fries ay naglakad na ulit kami. Pero sa hindi inaasahan ay may nakabangga kami dahilan para mabitawan ko ang fries na hawak ko. Pero hindi yun ang napagtuunan ko ng pansin kundi ang babaeng napaupo dahil sa pagkakabangga namin. Agad akong yumuko para matulungan siyang tumayo.

“Ay sorry po. Hindi po namin sinasadya.” sabi ko at inalalayan itong tumayo. “Pasensya na po talaga. Okay lang po kay---”

Bigla na lang akong natigilan sa pagsasalita nang makita ko ang mukha niya. Parang biglang tumigil ang mundo ko sa sandaling ito at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko.

“Love, are you okay?” rinig kong tanong ni Jes pero nasa babaeng kaharap ko pa rin ang paningin ko.

“Y-You.. Y-You look f-familiar.” halos pabulong ko ng sabi.

Bumitaw siya sa pagkakahawak ko at nginitian ko. Hindi ko talaga alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Kakaiba ito. Pamilyar siya... Hindi, hindi lang siya basta pamilyar. Hindi ako sigurado.

Naguguluhan ako..’

“Thank you sa pagtulong sakin.” sabi niya at tinalikuran na kami.

“Wait!” agad na pigil ko sa kaniya at napalingon naman siya.

“Hmm?” tanong niya.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magtanong pero tinikom ko rin yun. Hindi naman ako sigurado. Kailangan ko munang makasigurado. Napailing na lang ako at pilit na ngumiti.

“M-Mag-iingat po kayo. sabi ko na lang.

Tumango naman yung babae tsaka tuluyan na kaming tinalikuran. Napabuntong hininga na lang ako at tumingin kay Love tapos dun sa fries na nagpatak.

‘Sayang..’

“Love, ayos ka lang ba?” tanong niya sakin.

“Sayang yung fries..” sabi ko.

“Gusto mo ba bumili ulit tayo?” tanong niya pero mabilis akong umiling. “Eh ayos ka lang ba? Bakit ganun ka makatingin sa babae kanina?” tanong niya.

Book 2: Fight Or Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon