Chapter 4 - Their First Date

43 0 0
                                    

Demi Zaine's POV

Kadadating ko lang sa school ngayon at maaga pa kaya naman kaya maunti pa lang ang mga estudyante. Hindi ko rin kasabay ang mga kapatid ko kasi umuna na ako sa kanila. Susunduin din sana ako ni Jes pero sinabi kong huwag na. Maya-maya pa siguro yun dadating.

Kaya habang mag-isa pa ako ay sinalpak ko muna ang earphone sa tenga ko at nakinig ng music. Papikit-pikit pa ako kasi feel ko yung tugtog eh. Hehe. Para tuloy akong natutulog ngayon.

Maya-maya pa ay nagmulat na ako ng aking mata. Halos manlaki ang mata ko dahil may kaharap na ako ngayon na sobrang lapit sakin. At ngiting aso pa ang puta!

“Good morning---”

Waaaaaaaaaaaah!” malakas na sigaw ko.

Agad ko siyang tinulak ng malakas dahilan para mapaatras siya. Lumayo naman ako sa kaniya dahil sa sobrang gulat ko.

Aray! Ang lakas naman ng tulak mo, Demi. Naggu-good morning lang naman.” nakangusong sabi niya sakin.

Naiirita naman akong tumingin sa kaniya. “Sino bang hindi magugulat eh sobrang lapit mo?!” inis na sabi ko sa kaniya.

“Sorry na.” sabi niya sabay kamot ng ulo.

Napairap na lang ako. Nakakainis talaga minsan itong si Clyden. Bigla na lang nanggugulat. Tsk!

“Uy, sorry na.” sabi niya ulit sakin.

“Oo na! Kulet!” sabi ko.

Magdadalawang linggo na pero wala pa rin akong nagiging kaibigan dito sa school. Demi, pwede ba tayong maging magkaibigan?” tanong niya sakin.

Grabe naman itong lalaking ito. Dalawang linggo na wala pa ring kaibigan. Tsk! Napailing na lang ako. Hindi ko kasi medyo gusto yung presensya niya. Ewan ko ba. Feeling ko tuloy may mali. Or baka sakin lang may mali. Hays.

“Pwede naman.” sabi ko na lang.

“Yes! Salamat. Pwede rin ba ako sumama sa inyo or sayo minsan sa lunch?” tanong niya ulit.

Napakamot ulo naman ako. “Uhm.. oo naman.” sabi ko.

“Salamat, Demi!” sabi niya sakit at bigla akong niyakap.

Nabigla naman ako kaya bigla ko din siyang natulak. Hays.

“S-Sorry, nabigla lang ako.” napapatungong sabi ko.

“Sorry din, nabigla kita.” sabi niya.

Pilit na lang akong ngumiti. Hays. Para akong kinakabahan na ewan.

Napailing na lang ako at sumandal na lang sa pader ng classroom namin. Ang tagal naman dumating ni Ma'am Nellisa. Siya kasi ang nagbubukas ng classroom namin eh. Kaya sa kaniya nakasalalay kung anong oras kami makakapasok sa room.

“Love!”

Napalingon ako at nakita kong si Jes papalapit sakin. Agad naman akong napangiti.

“Good morning, Love.” masayang bati ko sa kaniya.

“Good morning din, Love. Kanina ka pa ba dito? Sorry kung pinaghintay kita ha.” sabi niya sakin.

Napatawa naman ako. “Okay lang yun. Tsaka nandito na din naman si Clyden.” sabi ko at tinuro ang gawi ni Clyden pero wala na siya dun.

Book 2: Fight Or Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon