Simula

200 38 7
                                    

El Faro, 2020

Zale

Misteryoso

"Dios ko! Sinasabi ko na nga ba! Ayan at mahuhuli ka na sa practice mo!" sigaw sa akin ni Eli, isa sa mga kapatid ko.

"Sandali! Pahatid naman ako, please?" humina ang boses ko nang banggitin ko ang salitang 'please', alam kong papayag na siya dahil minsan lang ako magsabi sa kanya ng salitang iyon.

Nang marinig ang pakiusap ko ay napabuntong hininga na lamang siya. "Sige, sumakay ka na. Idadaan muna kita sa eskwelahan mo." sinasabi ko na nga ba! Hindi ako matatanggihan nito.

Napatili ako at agad ko siyang niyakap, "Thank you, Eli!" natutuwa kong sabi.

Ngumiti ito at ginulo ang aking buhok sabay takbo papasok sa kaniyang sasakyan, dahil alam niya na ayoko sa lahat ay ang ginugulo ang buhok ko. Pang bata lang naman iyon at hindi na ako bata!

Medyo nagsisi ako dahil halos madaling araw na ako umuwi kanina kung hindi pa ako tinawagan ni Eli. Kaya heto ako ngayon at aligaga dahil mahuhuli na talaga ako. Idagdag pa ang masakit na ulo ko dahil sa hangover. Ngayon pa naman ang huling araw ng practice namin para sa moving up. Hindi na ako iinom, ayoko na!

"Zale! Where the hell are you? Kanina pa ako dito sa gate nila Nica." agad na bungad niya nang sagutin ko ang kaniyang tawag.

Napatigil ako sa pag sasayaw nang malaman ko na nasa labas na nga ang isa sa mga kapatid ko. Mabilis kong kinuha ang dala-dala kong shoulder bag kahit pa ramdam ko na ang pag ikot ng paningin ko. Napadaan ako sa isang lamesa na may mga nakahilerang shot glass na may laman, kumuha ako ng isa at agad ko itong ininom. Hinanap ko si Nica, ang may birthday, nakita ko siyang napapalibutan ng mga bisita niya. Lasing na ang isang ito, pagbigyan na at kaarawan naman niya. Saktong napatingin naman ito sa akin kaya sumenyas ako na uuwi na ako. Ngumiti naman ito at kumaway sa akin, hudyat na iyon para makaalis na ako.

Masikip na dito at nagkakasiyahan na ang mga tao dahil halos lahat ay may mga tama na. Nakipag siksikan ako para makalabas na nang may tumawag sa akin.

"Zale!" napalingon ako at nakita ko si Judson na mukhang lasing na. Oh right! Ngayon ko pa talaga makakasalubong ang isang ito. Dali dali akong tumalikod sa kaniya at ang pag talikod na ginawa kong iyon ay nagdulot lalo nang pag ikot ng paningin ko. Sa kagustuhan na makatakas sa kaniya ay sinikap kong maglakad papalayo roon, hindi alintana ang hilong nararamdaman.

Kahit bahagya na akong makalakad dahil sa mga nainom ko ay pinilit ko pa rin na makarating sa gate at baka magalit pa si Eli sa akin.

There I saw my brother, Aelius or Eli for short, nakasandal sa kanyang black Wildtrak. Naka black hoodie at ang mga kamay ay nasa magkabilang bulsa ng hoodie. Nakataas ang isang kilay nito at pinapanood ang pa gewang-gewang na lakad ko palapit sa kaniya.

"Did you drink? Nag paalam ka ba?" mapang asar na tanong niya sa'kin habang inaalalayan akong makasakay sa front seat.

"I'm seventeen na! Legal age na ako next year, Eli!" tapos ay inirapan ko siya at ipinaling ko na ang ulo ko sa bintana dahil antok na antok na ako. May sinabi itong hindi ko naintindihan dahil hinihila na ako ng antok. Matutulog na muna ako. It's already 2:00 am. Pahirapan na naman ako nito sa pag gising mamaya.

Iyon na lamang ang mga naalala ko dahil pag gising ko ay nasa sariling kama na ako.

"Bye! Thank you! Isasama ako ni Daddy mamaya kaya sa kanya na ako sasabay pauwi . Ingat ka!" Pagpa paalam ko sa kanya at agad na akong dumiretso sa gymnasium namin dahil naririnig ko na ang pagtawag sa pangalan ng mga kaklase ko.

Flaming OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon