Kabanata 5

64 24 0
                                    

Forget

"Stop making noise, guys! I'm trying to remember what happened last night," inis na bulalas ko kila Laz at Eli dahil hindi sila matigil sa pagnguya nang malakas. Paano ay kumakain ang mga ito ng chichirya at talagang ipinaparinig pa ang bawat nguya kaya hindi ako makapag focus sa ginagawa ko.

Katatapos lamang namin kumain ng tanghalian, at ngayon ay narito kami sa salas para tulungan akong alalahanin kung ano ang nangyari kagabi.

"Chill out, little sis." Wika ni Eli habang nakayapos sa isang malaking bag ng chichirya na kinakain nito, at ipinagpatuloy ang ginagawang pagnguya. Humarap ito kay Laz at, "Is this what they call ASMR?" kuryosong tanong nito habang ngumunguya pa rin.

"Maybe? I'm not sure," hindi siguradong sagot ni Laz at ipinagpatuloy rin ang ginagawa niyang pagnguya.

Ang dalawang ito talaga! I looked at Max, hoping he'd understand that I need him to silence Eli and Laz. Humalukipkip ito bago pinagsabihan ang dalawa, "Stop that, Aelius and Lazarus."

Mabuti naman at natahamik na ang dalawa kaya nagpatuloy ako sa pag-iisip ng mga nangyari kagabi.

"Ugh! Hindi ko talaga matandaan! Hindi naman ako ganoong nalasing kaya bakit wala talaga akong maalala?" Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil nauubos na ang pasensya ko.

Ang tanging natatandaan ko na lamang ay nagising ako na nasa sariling kwarto at kama na ako. Bukod doon ay wala nang iba.

"Think again... Are you sure you did not send those messages?" Kalmadong tanong ni Max.

Umiling ako, "No... Ni hindi ko rin maalala na may dala-dala ba ako noong lumabas ako para magpahangin," naguguluhan kong sagot. Teka, 'yung estrangherong lalaki!

"Wait! I remember something... Noong lumabas ako ay biglang may kumausap sa aking lalaki," biglang napalingon sa akin si Laz at Eli, tila ba ay nakuha ko ang kanilang atensyon.

"Lalaki?" Sabay na tanong ng dalawa at ibinaba sa lamesa ang mga chichiryang kinakain.

"I forgot to ask his name eh... But something's weird, he called me by my name..."

"What's wrong with that? You're a Ripperton..." Nagtatakang wika ni Laz.

"No! What I mean is... He called me Zayleigh. Hindi ko naman madalas gamitin iyon diba?" Pagpupumilit ko. Walang nagsalita kaya isa-isa kong tiningnan ang mga reaksyon nila.

Nakataas ang dalawang kilay ni Laz habang nakasandal ang ulo nito sa headrest ng sofa. Si Eli naman ay naka pang-dekwatrong upo sa katapat na sofa ni Laz, ang throw pillow naman ang napagdiskitihan nitong yapusin ngayon. Samantala, si Max ay nakatayo habang nakapamulsa, nakatitig ito sa sahig na tila ba'y malalim ang iniisip nito.

"It can't be... It's impossible, right?" Pagbasag ni Laz sa katahimikan.

"It is possible." Tipid at seryosong sagot ni Eli na ikinagulat ko. Ito ang unang pagkakataon na nakita kong ganito kaseryoso si Eli.

"Eli's right. We should've seen this coming," sabat naman ni Max.

This is what I hate the most! Iyong silang tatlo lamang ang nagkakaintindihan, at kung makapag usap ay para bang wala ako dito sa harapan nila.

"Hello? If anyone would like to enlighten me, I'd welcome it," singit ko at humalukipkip. "What are you guys talking about ba?"

Nagkatinginan naman ang tatlo, napansin ko ang pagbuntong hininga ni Max kaya sa kaniya ako bumaling.

"What is it Max?" Tanong ko at tinaasan siya ng isang kilay.

"You'll know soon enough... Sa ngayon ay gusto kong ipangako mong wala kang ibang pagkakatiwalaan kundi kami, okay?" Pakiusap ni Max. Ramdam ko ang pagmamakaawa nito kaya tumango na lamang ako. Kung anuman ang mga mangyayari ay naniniwala akong hindi ako pababayaan ng mga kapatid ko, at ganun rin naman ako sa kanila.

Flaming OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon