El Faro, 1760
Narrator
Sacred
Kasalukuyang taimtim na dumadalangin ang mga mangingisda ng bayan ng El Faro sa diyos ng karagatan. Tradisyon nila ito na sa tuwing bago sila pumalaot ay nararapat muna silang humingi ng patnubay at gabay sa gagawin nilang pangingisda. At kung makaligtaan nilang dumalangin ay paniguradong trahedya ang aabutin nila.
Isa rin sa hindi nila maaaring kalimutan na idalangin ay ang bigyan sila nito ng kasaganahan sa gagawin nilang pangingisda, na maaari nilang iuwi sa kani-kanilang pamilya o 'di kaya'y dalhin sa pamilihan upang ibenta.
Samantala, mayroong lugar sa ilalim ng mundong ibabaw na kilala sa katawagang 'Chasm'. Dito napupunta ang lahat ng uri ng kaluluwa, nililitis kung anong klasseng parusa ang ipapataw sa kanila base sa kanilang mga ginawa noong sila ay nabubuhay pa.
"Go home, Caius. You've been here for a week", nakapangalumbabang saad ni Charim habang nakasandal sa kaniyang trono, pinapanood ang kapatid niyang isang linggo na ang pamamalagi sa kaniyang teritoryo.
"Is it bad to visit my baby brother?" Sagot naman ni Caius habang komportableng nakaupo sa isang upuang hinila niya kanina mula sa kung saan. Itinabi niya ito sa trono ng kapatid at ginaya ang pwesto nito.
"You're up to something... aren't you?" Seryosong tanong ni Charim habang pinagmamasdan ang katabi, tila ba ay pinakikiramdaman ang pinaplano nito.
Nagkibit balikat muna si Caius at hindi sinagot ang katanungan ng kapatid, "Brother, do you really think that low of me?" Yumuko ito bago inilagay ang isang kamay sa tapat ng kaniyang puso at umarte na tila ba ay nasasaktan ito.
"You have no heart, remember?" Sakrastikong bawi ni Charim at umirap sa kawalan.
"Go to hell, Thaumas..." tumayo si Caius at pinagpagan ang kaniyang suot. Sinuklay niya pataas ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri, at nang makuntento ay binalingan ang kapatid nitong malalim ang iniisip.
"I almost forgot, you're already here in hell!" At humalakhak ito habang naglalakad palabas sa silid. Napailing na lamang si Charim dahil kahit kailan ay walang makapapantay sa kalokohan ng kaniyang kapatid.
Walang sinuman ang nakakapunta at nakakalabas ng buhay sa mundong ilalim. Lalo na kung isa lamang iyong mortal na walang kapangyarihan. Ngunit kung isa kang diyos ay malaya kang makapupunta roon.
Kung may nagnanais na magtungo sa mundong ilalim ay mayroong tatlong paraan. Ang una ay ang pag-aalay ng sariling buhay kung talagang gustong magtungo sa mundong ilalim, ngunit wala naman sigurong mortal ang nanaisin ang bagay na iyon dahil tiyak na mas pipiliin nila na manatili na lamang sa mundong ibabaw kaysa makielam sa mga nangyayari sa mundong ilalim.
Ang ikalawang paraan ay ang pagiging diyos, isa ito sa pinakamabisang paraan kung papaano makakapaglabas-masok sa mundong ilalim dahilan na rin sa tinataglay na kapangyarihan ng bawat diyos. Hindi madalas na bumisita ang ibang diyos, tanging si Caius na kapatid ni Charim lamang ang mahilig magpalipas ng oras roon sa tuwing ito'y nababagot.
At ang pinakahuli ay ang pagbibigay ng permiso mula mismo sa diyos ng mundong ilalim. Ang paraang ito ay aplikable lamang para sa mga mortal dahil sa paraang ito, direktang nagmumula sa diyos ang permiso. Ngunit ang pagbibigay ng permiso ay hindi basta-basta, ito ay may kapalit.
---
Masayang naglalakad si Caius sa gilid ng isang ilog, sumisipol-sipol ito dahil may ilang mortal na kababaihan ang kasalukuyang naglalaba sa ilog na nahagip ng kaniyang mga mata. Ang ilog ay kilala sa katawagang 'Anahita' dahil sa linaw ng tubig na dumadaloy rito patungo sa karagatan.
BINABASA MO ANG
Flaming Ocean
FantasyZale is the exact definition of the word 'perfect'. She has everything. Loving and caring brothers, countless money, looks to die for, intelligence...everything! But what if one day she wakes up and a ghost from the past suddenly appears? A memor...