Brothers
Matapos kong makisalamuha at makapag pasalamat sa mga bisita ay nagpaalam akong magpapahinga na dahil nakaramdam na ako ng pagod. Maybe because of what we did at the beach earlier.
Pagkakasyahin kaming apat sa isang suite dahil iyon ang gusto ni Max. Hindi naman tumutol sila Eli at Laz, kaya pumayag na rin ako.
Si Daddy ay kinailangang mangibang bansa dahil may kailangan siyang asikasuhin na trabaho roon. Pagkatapos ng party ko ay tumulak na siya paalis kasama ang ilang kaibigan, aniya'y baka mag bakasyon din muna sila. Ibinilin naman niya sa amin na kung may lakad ako ay dapat palaging kasama ang tatlo kong kapatid.
Mayroong dalawang king size bed ang kwartong ito. Kanina nang ihatid ako ng tatlo kong kapatid dito ay pinagdikit nila ang dalawang kama para daw tabi-tabi kami. Kalaunan ay nag paalam din sila na lalabas muna at magpapahangin lang daw. Huwag na daw akong lumabas at kung lalabas naman daw ay i-text ko sila. Wala na naman talaga akong balak na umalis pa kaya wala silang aalalahanin.
Lumabas ako sa balcony at naupo sa isang duyan na gawa sa kahoy. Kasya rito ang dalawa hanggang tatlong tao. May nakapatong ditong makapal na foam kaya komportableng upuan. Mayroon ding dalawang unan sa magkabilang dulo nito. Napatitig na naman muli ako sa karagatan.
Sa aming apat na magkakapatid ay si Max ang pinaka panganay, na sinundan ni Laz, ni Eli, at ako.
Kahit pa mga nakatatanda ang tatlo sa akin ay hindi ko sila tinatawag na Kuya, sa kagustuhan nilang huwag ko silang tawaging ganoon. Kaya ganoon nga ang nangyari, bata pa lamang ako ay tanging pangalan lang nila ang tawag ko sa kanila, heto at dinala ko hanggang sa pagtanda. Pero kahit naman ganoon ay hindi ako nawawalan ng respeto sa kanila. Nakatatanda ko pa'rin naman silang kapatid.
Ang tatlo kong nakatatandang mga kapatid ay 'di hamak na mas matatangkad kaysa sa akin. Pare parehas sila na may malalaking pangangatawan.
Maximilian or Max for short is twenty-five years old. Kahit pa malaki ang agwat ng aming edad ay malapit pa rin naman kami sa isa't-isa. Sa kanilang tatlo ay siya ang pinaka protective sa akin, ramdam ko iyon. Sa mga nagbalak manligaw sa akin noon ay siya ang nakatapat, kaya ang nangyayari ay sumusuko na lamang ang mga ito, dahil tingin pa lamang nito ay masisindak ka na talaga. He got this dark aura around him na mapapalingon ka talaga kapag nariyan siya sa malapit. Suplado siyang tingnan sa harap ng ibang tao, pero kapag kami na ang kaharap niya ay palabiro naman.
Lazarus or Laz for short is twenty-three years old. He also got this dark aura around him. Pero hindi tulad noong kay Max na hindi man lang ngumingiti sa mga tao. Nangiti naman ito pero agad ring mawawala. Sa kalokohan ay sila ni Eli ang madalas magkasundo. Pagdating naman sa mga responsibilidad ng pagiging Kuya ko, sila ni Max ang nagkakasundo. Lalo na kung ang usapan ay tungkol sa lalaki.
Eli or Aelius for short is twenty years old. Unlike Max and Laz, he got this carefree vibe. Mukha itong inosenteng tingnan sa tuwing nananahimik, kahit ang totoo ay hindi naman. Lumalabas ang dimples nito sa tuwing ngumingiti. Sa kanilang tatlo ay ito ang pinaka maloko, at minsan ay ang palaging pasimuno sa mga kalokohan.
Iba talaga kapag sariwang hangin ang nalalanghap mo, mas masarap ito sa pakiramdam. Isinandal ko ang likod ko sa sandalan at niyakap ang unan. Hindi ko namalayan na hinila na pala ako ng antok dahilan na rin siguro sa pagod.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon, pero naramdaman ko na may bumuhat sa akin at dinala ako sa malambot na kama. Pagkatapos ay tinabunan ng kumot ang buong katawan ko.
Nagising na lamang ako nang naramdaman ko ang pagtama ng init ng araw sa balat ko na nagmumula sa balkonahe. The door is made of glass, kaya lumalampas ang sinag ng araw dito. Napatingin ako sa wristwatch kong hindi ko na pala natanggal kagabi. It's already ten o'clock!
BINABASA MO ANG
Flaming Ocean
FantasyZale is the exact definition of the word 'perfect'. She has everything. Loving and caring brothers, countless money, looks to die for, intelligence...everything! But what if one day she wakes up and a ghost from the past suddenly appears? A memor...