Babysit
Para akong nakalutang sa mga sumunod na araw. Kung hindi sa library ang tungo ko, sa dalampasigan naman ako nagpapalalipas ng oras.
Tumigil ako sa paglalakad sa buhanginan. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng palasyo. Gawa ito sa bato at nasisiguro kong lumipas man ang panahon, mananatili itong nakatayo dito.
Halos isang linggo na kaming araw-araw sabay na kumakain. Simula umagahan hanggang sa hapunan. Hindi ko maitago ang tuwa ko kapag naaalala ko ang unang beses na sabay kaming kumain ng umagahan.
Nagkukusot ako ng isang mata habang tinitingnan ang lamesa. Hinanap kaagad ng mga mata ko kung mayroong gatas roon. I almost forgot that this is not our home. Makakakain naman siguro ako kahit walang iinuming gatas, 'di ba?
Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip nang biglang lumabas mula sa isang pintuan si Caius.
"Good morning!" Masiglang bati ko. My eyes drifted on his right hand.
"Morning," he put down a glass of milk near my plate. My eyes landed on his messy hair. Halatang kababangon lang din. I pouted. Kahit bagong gising, ang gwapo pa rin.
"Hindi ka makakain kapag walang gatas, hindi ba?" He asked gently.
"Yeah. Thank you," ginawaran ko siya ng isang ngiti. Napatitig siya sandali doon bago nag iwas ng tingin.
I think I will never get used to his presence. Get a hold of yourself, Zale! Damn!
Itinuloy ko ang ginagawang paglalakad sa dalampasigan nang may tumawag sa akin.
"Zale!"
Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Malayo ang taong iyon kaya nanliit ang mga mata ko para aninagin kung sino iyon.
"Laszlo?"
"Yeah! Ako ito! Kamusta?" Tumigil siya sa harapan ko.
"Uhh... Ayos naman. Ikaw?"
"I'm fine too. Your brothers asked me to check on you. Hindi sila makaalis doon sa inyo at baka magduda ang mga nagmamasid," seryosong wika niya. "I mean, nakakaalis naman, pero hindi kayang isugal na magpunta rito kaya ako ang napakisuyuan," paglilinaw niya.
"Pero si Aelius... What about his teleportation? Hindi ba niya pwedeng gamitin iyon?" Kuryoso kong tanong. Ngayon lang din sumagi sa isipan ko iyon.
He shook his head. "Magic pa rin iyon, Zale. Mahirap na at baka pagdudahan pa siya. It's too risky."
Tumango na lang ako sa sinabi niya.
"By the way, I'll be staying here for... let's say... two to three days?" Humalukipkip siya.
Oh? Mukhang maganda iyon para naman may iba akong makausap bukod kay Caius. Minsan nga ay sinasadya kong hindi magpunta doon sa library dahil alam kong naroon siya. Nahihiya ako at baka maabala ko siya sa mga ginagawa niya.
Noong isang araw kasi na nagpunta ako roon, pagpasok ko ay panay ang sulyap niya sa akin. Ilang beses akong nakarinig ng pagpunit at paglukot ng papel. Naisip ko tuloy na nakakagambala ang presensya ko roon.
"That's good! Para naman hindi laging kami lang ni Caius dito. Nakakahiya nga at pakiramdam ko ay naaabala ko siya, hindi lang niya siguro sinasabi," kwento ko sa kanya. I don't know why, but I suddenly feel comfortable talking to him.
"Don't worry, I brought two girls to keep him entertained. Para naman mabawasan ang isipin niya." What? Two girls? Mayabang siyang ngumiti na para bang napakagandang ideya nang ginawa niya.
"Girls?" Tanong ko.
"Yes! Madalang na siyang magpunta sa mga party, e." Nagkibit balikat siya. "So... I brought a little party for him," tumaas-baba ang dalawa niyang kilay.
BINABASA MO ANG
Flaming Ocean
FantasyZale is the exact definition of the word 'perfect'. She has everything. Loving and caring brothers, countless money, looks to die for, intelligence...everything! But what if one day she wakes up and a ghost from the past suddenly appears? A memor...