Umbra
Tahimik kong pinagmamasdan ang karagatang nasa harapan ko. Hindi yata talaga ako kailanman mapapagod panoorin ang mga alon. I just can't take my eyes off these beautiful waves.
Nagpaalam ako sa mga kapatid ko na maglalakad lakad muna ako rito. Magpapahangin. Para kahit paano ay makapag isip-isip na rin.
Caius, huh? I am slowly remembering everything now. Tagpi-tagpi pa lamang ang mga alaalang nagbabalik sa akin kaya hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang totoong nangyari.
Sinulyapan ko ang mansyon namin na 'di gaanong malayo sa kinatatayuan ko ngayon. So we really own that mansion, huh?
Naalala ko iyong lugar sa mga alaala ko. Hindi rin nakatakas ang kung paano kami nakarating ni Eli doon sa isang kisapmata lamang. They're very good at hiding, huh? But I guess they didn't tell it to me on purpose. Lalo pa't halata namang napaka protective nila sa akin.
Nagtago ako sa lilim ng punong nakita ko. Patuloy kong pinagmasdan ang karagatan nang biglang may alaalang pumasok sa isipan ko.
"I'm happy for you! Napapansin ka na niya!" Tili ni Harika matapos kong ikwento sa kaniya ang nangyari noong gabing iyon, ilang araw na ang nakakalipas.
"Hinaan mo nga ang boses mo! Baka mayroong makarinig sa'yo! Isipin pa nilang patay na patay ako kay Caius."
"Bakit? Hindi ba? Totoo naman, ah! Geez, Zayleigh! Sa lawak ng nasasakupan niyo, tingin mo ba ay may makakarinig pa sa atin?" May pag irap pa itong nalalaman.
Mas nahigitan pa yata niya ang naging reaksyon ko, gayong ako naman iyong nakausap ni Caius. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako o magsisi na ikinuwento ko ito sa kanya. But, well, aside from Aiva, si Harika lang naman ang napag kukwentuhan ko ng mga ganitong bagay. Hindi ko yata kakayanin kung sa mga kapatid ko ito ikukwento.
"H-hindi, 'no! Masaya lang ako na sa wakas ay nagkakausap na kami, at hindi na lang puro pakikinig ng mga kwentong mula sa inyo." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"By the way, what's your plan for your birthday? Sa isang buwan na iyon, ah?"
Oo nga pala! Birthday ko na sa isang buwan!
Nawala na iyon sa isip ko dahil ang naging laman ng utak ko ay ang mga naging pagtatagpo namin ni Caius. Ano ba ito? Pati ang mismong kaarawan ko ay nakalimutan ko na! Iba ka, Caius!
"A dinner by the seashore will do," sagot ko dahil iyon naman talaga ang balak ko. Tulad ng sinabi ko noon kay Maximilian, sapat na sa akin ang makasama sila at ang dalawa ko pang kaibigan.
"Humble talaga kahit kailan! Samantalang noong nag birthday ako, pinaimbitahan ko ang buong El Faro!" Tumawa siya kaya napatawa rin ako dahil totoo iyon.
Balitang-balita ang naging kaarawan nitong si Harika dahilan nga sa imbitado ang buong El Faro. Hindi nga lang ako nakapunta noon dahil tinamaan ako nang matinding sakit. Akala ko pa nga ay magtatampo ito sa akin. Pinapunta ko kasi roon si Aelius para ipasabi ang kalagayan ko, ipinadala ko na rin ang regalo ko. At nang umuwi si Aelius, ibinalita niyang gustong-gusto raw sumama ni Harika patungo sa amin dahil sa pag aalala nito. Pinigilan lang daw siya ng mga magulang niya dahil nakakahiya naman daw sa mga bisitang pinapunta niya.
"Why don't you invite Caius?" Nagtaas baba ang kilay niya.
Mabilis akong umiling, "No, way. I'm very sure he'll decline."
"Iimbitahan lang naman, ah? What's wrong with that? Kung humindi, at least you tried. Kapag pumayag, edi ayos!" Tumango-tango siya at pumalakpak na para bang napakaganda nang naging suhestiyon niya.
BINABASA MO ANG
Flaming Ocean
FantasyZale is the exact definition of the word 'perfect'. She has everything. Loving and caring brothers, countless money, looks to die for, intelligence...everything! But what if one day she wakes up and a ghost from the past suddenly appears? A memor...