Kabanata 7

60 7 0
                                    

Zale

Pagtatagpo

Malalakas na patak ng ulan at bayolenteng hampas ng mga alon ang gumising sa mahimbing kong pagkakatulog, isang linggo ng umaga. Imbis na bumangon ay nanatili muna akong nakahiga sa aking malambot na kama.

Tumitig ako sa kisame ko at inalala ang mga nangyari nitong mga nakaraang linggo, habang pinakikinggan ang bawat pagpatak ng ulan.

"Zale, ako na riyan, alam mo naman ang nangyayari sa tuwing lumalabas ka, hindi ba?" Usal sa akin ni Aiva, isa sa mga kasambahay namin.

Napaisip naman ako dahil may punto siya. Sa tuwing lumalabas ako ay palaging may nakaabang na mga kalalakihan sa akin. Ang ilan ay palaging may dalang mga pagkain, ang iba naman ay may dala-dalang mga instrumento.

"No need, kaya ko na ito. Gusto ko ring lumabas ngayon", sagot ko sa kaniya at inagaw ang kinuha niya sa aking mga labahing damit.

Ang mga damit na ito ay kay Lazarus, isa sa mga kapatid ko. Si Aiva ang nakatakdang maglaba nito, iyon nga lang ay inagawan ko siya ng gawain dahil nagkasundo na kami ng kaibigan kong si Harika na sasamahan ko siyang maglaba sa ilog Anahita.

"Brothers! I'm leaving!" Pagpapaalam ko sa mga kapatid ko kahit pa alam kong hindi naman nila ako maririnig dahil paniguradong tulog pa ang mga iyon.

Alas singko y media ng umaga namin naisipang magkita ni Harika sa may dalampasigan. Pabor iyon sa akin dahil una, sa tabing-dagat lang din ang mansyon namin at pangalawa, tulog pa sa ganitong oras ang mga kapatid ko.

Nasisiguro ko na kung gising na ang mga iyon ay pipigilan nila ako na umalis ng bahay na hindi kasama ang kahit isa man lang sa kanila.

Mag-iisang oras na akong nakaupo sa may dalampasigan ngunit wala pa rin si Harika. Hindi naman niya ako hinahayaang maghintay ng matagal kaya nagtaka ako.

Aalis na sana ako para umuna na sa ilog nang marinig ko ang boses niya mula sa likuran ko.

"Zale! Sorry I'm late!" Hinihingal niyang bungad sa akin pagharap ko.

"What happened? Bakit ka hinihingal?" Tanong ko dahil nakita ko kung paano niya habulin ang kaniyang hininga.

"Iyong mga manliligaw mo! Ako ang ginugulo, they're asking me kung saan daw ang lakad natin. Sinabi kong mamamasyal lamang tayo pero nakalimutan kong may bitbit nga pala akong mga damit na lalabhan natin", dire-diretso niyang sagot at nagpamewang.

Hindi ko alam kung matatawa ba o maaawa dito sa kaibigan ko, sino ang mamamasyal na may bitbit na mga labahin?

Naka bulaklakan itong saya na hanggang sa tuhod ang haba, ang buhok niya ay nakapusod ngunit nagulo na, siguro ay dahil sa ginawa niyang pagtakbo. May kaunti ring mga pawis na tumutulo sa kaniyang leeg. Tinawanan ko siya at itinaas ang aking kamay para ikumpas ng isang beses, wala pang isang minuto ay naayos na muli ang magulo niyang damit at buhok.

Napapalakpak siya sa ginawa ko at niyakap ako, "Thank you!"

Pagkayakap niya ay dahan-dahan siyang lumayo sa akin at nagtatakang tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Puting-puti ka? Maglalaba lang tayo, uy!" May halong pang-aasar ang pagkakasabi niya noon.

Natigilan naman ako dahil akala ko ay ito ang tamang kasuotan kapag maglalaba. Ito pa lamang ang unang pagkakataon na maglalaba ako. Kinulit ko pa itong si Harika para turuan akong maglaba dahil hindi pa ako kailanman nakakaranas ng ganoon.

"Hayaan mo na, ayos na iyan", at nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod na ako sa kaniya.

"Oo nga pala, sigurado ka bang tulog pa ang mga kapatid mo?"

Flaming OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon