Weirdo
"What?" Tanong ni Lazarus.
"Are you fucking serious?" Seryosong tanong ni Maximilian.
Tumayo nang tuwid si Laszlo at hinimas-himas ang kaniyang baba gamit ang kanang kamay, tila ba nag iisip nang mabuti.
"Well, it's just a hunch though... Did someone use magic here, uhh... like, a few weeks ago?" Isa-isa niya kaming tiningnang magkakapatid.
Oops...
"What? Wala!" Sagot ni Aelius.
"Are you guys sure?" Paniniguro ni Laszlo.
"Wait, what's with the Superiors? Ano ba sila?" Singit ko dahil hindi ako makasunod sa pinag uusapan nila.
Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Laszlo, humalukipkip siya at tiningnan ang mga kapatid ko bago ako tinitigan.
"What? Hindi mo alam? Well... hindi ka naman siguro magtatanong kung alam mo, right?"
Of course! Ano ba naman itong isang 'to?
"Yeah", tipid kong sagot.
Magsasalita na sana si Laszlo nang naunahan siya ni Aelius.
"Hello? We're the brothers here, pwedeng kami ang magsabi?" Sabi ni Aelius at umupo sa katapat na sofa na inuupuan namin, katabi ni Laszlo.
"My goodness! At ngayon niyo lang talaga naisipang ipaalam sa kaniya ang lahat?" Wika ni Laszlo.
Iginala ko ang paningin ko at pinagmasdan ang bawat isang naririto sa salas. Si Lazarus ay nakatayo sa likod ng sofa na inuupuan namin, seryosong nakikinig. Ang nakaupong si Maximilian naman sa tabi ko ay nakatingin nang diretso sa kung saan. Si Laszlo ay nakahalukipkip habang nakasandal sa katapat na sofa, at si Aelius ay komportableng nakaupo sa tabi ni Laszlo habang may yapos-yapos na isang throw-pillow.
"Shut up. It's for her own safety," singit ni Maximilian.
"You shut up, guys. Let me talk to Zale", pagsusungit ni Laszlo at hinarap ako.
Tiningnan ko si Maximilian at tinanguan lang ako nito bilang pag sang-ayon na makinig ako sa mga sasabihin ni Laszlo.
"The Superiors are higher ups who can detect and locate if someone is using a magic... wait, not just an ordinary magic, but a dark magic..." Panimula ni Laszlo.
"You remember earlier? When I asked you guys kung mayroon sa inyong gumamit ng magic?" Tanong niya. Mukhang walang balak sumagot itong mga kapatid ko kaya tinanguan ko si Laszlo.
"Uhh, wait.. how do I say this? Oh, yeah, right... Noon kasi hindi naman talaga ipinagbabawal iyon, believe me or not, no one cares kahit anong gawin mo using magic. But you know... mortals are never satisfied with what they have." Tumigil siya at kinuha ang bote ng wine na nasa lamesa at sinalinan ang baso niya bago uminom roon.
"The last sentence is a fact, dude!" Singit ni Aelius at inapiran si Laszlo. Ano ba itong si Aelius? Kanina lang ay kung mataray-tarayan niya si Laszlo tapos ay ganito ngayon. Napaka moody talaga!
"Ssh! Shut up, Aelius! Laszlo, continue, Zale's waiting." Pagpapatahimik ni Maximilian kay Aelius.
"Then they created something... something dark... something that should not have existed. Then boom! Everyone who use magic, kahit pa hindi dark iyon or what, nalo-locate nila." Pagtatapos niya. Wait, I want more!
"That's it? After locating, anong gagawin nila?" Tanong ko.
"They will examine it. If it's for a good purpose, then you'll pass. Pero kung makutuban nilang gagamitin iyon sa kasamaan, I'm sorry, but you'll fail." Pagpapaliwanag niya.
BINABASA MO ANG
Flaming Ocean
FantasyZale is the exact definition of the word 'perfect'. She has everything. Loving and caring brothers, countless money, looks to die for, intelligence...everything! But what if one day she wakes up and a ghost from the past suddenly appears? A memor...