El Faro, 2010
Zale
Estranghero
"Susmaryosep! Puti na ang mata ko! Baka nakalimutan mo na ngayon ang surprise party?" bungad sa akin ni Alex nang sagutin ko ang tawag niya. Oo nga pala! Ngayon nga pala gaganapin iyon!
"Good morning din, Alex. I overslept hehe."
Tiningnan ko ang cellphone ko at nakitang sunod-sunod ang messages galing sa kaniya. Ilang hindi nasagot na tawag mula sa kaniya na naging dahilan ng pagkakagising ko. Naku po! Magtataray nanaman ito!
"Get your sleepy ass over here! Hindi para sa'yo ang surprise party kaya baka gusto mong bilisan? At anong good morning? Gosh! It's already three in the afternoon!" Kinailangan ka pa na ilayo sa tainga ko ang cellphone sa lakas ng boses nito.
What? 3 p.m. na? Napabalikwas ako at mabilis na bumangon. Tiningnan ko ang wrist watch ko at nakumpirmang alas tres na nga!
"Give me 30 minutes. Bibilisan ko na ang kilos ko. Nag lunch ka na? May gusto kang ipabili?" Panunuhol ko sa kaniya, baka sakaling umepekto.
"I already ate! Huwag mo nga akong subukang suhulan at hindi gagana iyan... but on the second thought, donuts will do. Choco butternut flavor!"
Pagkain lang talaga ang katapat nitong isang ito. Matapos ang ilan pang pagbubunga ni Alex ay nagpaalam na ako sa kaniya at ibinaba na ang tawag para makapaghanda na.
Mabilis akong bumaba ng hagdanan habang sinusuklay ang medyo basa ko pang buhok. Tanging black off shoulder jumpsuit na lamang ang naisuot ko dahil ito ang una kong nakita sa cabinet.
Nang malapit na ako sa dulo ng hagdanan ay laking pasasalamat ko nang makita ko si Laz na bihis na bihis rin, saktong aalis din yata kaya mukhang makakasabay ako.
"Off to somewhere?" tanong ni Laz nang makita ako.
"Yup. Can I hitch a ride?"
He raised an eyebrow and folded his arms, "Where are you going?" kuryosong tanong nito.
"Ngayon gaganapin iyong naikwento ko sa inyong surprise party for Leilanie."
Tumango naman ito na tila ba'y naaalala ang sinasabi ko, kahit ang totoo'y hindi naman.
"I'm sorry little sister, but I can't. I need to meet someone important. Gisingin mo si Aelius at paniguradong wala namang gagawin iyon," lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Take care, okay? I have to go."
Pagkaalis ni Laz sa harapan ko ay dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto ni Eli para gisingin ito. As I opened his door, I saw my brother sleeping peacefully. Akala mo ay napakainosente kung titingnan sa ganoong lagay. Hindi mo aakalaing puros kalokohan lamang naman ang alam kapag gising. Sorry to disturb your peaceful sleep, Eli, pero kailangan ko na talagang umalis ngayon.
Ilang panggigising pa ang ginawa ko bago ito tuluyang nagising.
Ngayon ay nasa sasakyan na niya ako patungo sa pag gaganapan ng surprise party. Nilingon ko ang katabi kong panay ang hikab. Nilingon din ako nito nang naramdaman ang pagpaling ko sa kaniya.
"What? I'm sleepy," sagot nito habang humihikab.
Paano ba naman kasi hindi aantukin? Alas kwatro y media ng madaling araw kanina ay magkakasama kami sa sasakyan ni Max, naghahanap ng bukas na pwedeng mabilhan ng lomi dahil bigla nalang daw nag-crave nito si Max at Eli.
Silang dalawa na lamang daw dapat ang aalis, kaya lang ay nang patunugin daw ni Max ang alarm ng sasakyan niya ay saktong pababa ng hagdanan si Laz para maghanap ng pagkain sa kusina dahil nagugutom raw ito. Nagtaka daw ito kung sino ang aalis ng ganoong ka-aga kaya dahan-dahan niyang sinilip kung sino iyon at nakita si Eli at Max na parehas nakasuot ng kanilang hoodie. Mukhang paalis daw ang dalawa kaya't tinanong niya kung saan papunta ang dalawa at nang banggitin na maghahanap ng lomi ay lalo lamang daw siyang nakaramdam ng gutom, kaya nagpasya siyang sumama sa dalawa. Ayaw daw nila akong iwanang mag-isa sa bahay kaya naisipan nilang gisingin na lamang din ako at isama sa paghahanap nila ng lomi.
BINABASA MO ANG
Flaming Ocean
FantasyZale is the exact definition of the word 'perfect'. She has everything. Loving and caring brothers, countless money, looks to die for, intelligence...everything! But what if one day she wakes up and a ghost from the past suddenly appears? A memor...